
From Yesterday 6: Half of My Heart
Then you come crashing in, like the realest thing. Trying my best to understand all that your love can bring. Half of my heart’s got a grip on the situation, half of my heart takes time. Half of my heart’s got a right mind to tell you that half of my heart won’t do.
“and if it ends today,well, I’ll still stay that you shine brighter than anyone... now I think we’re taking this too far…”
Nagising ako dahil sa pagring ng cellphone ko. Hindi muna ako bumangon dahil na rin sa inaantok pa ako.
“Don't you know that it's not this hard? Well it's not this hard..But if you take what's yours and I take mine…Must we go there?..Please not this time. No, not this time.”
Maya-maya ng kaunti ay nairita na rin ako sa aking naririnig na ringtone ng aking cp, break-up song namin ng ex ko. Pupungas pungas akong tumayo at pinuntahan ang cp ko na nakapatong sa study table sa may hindi kalayuan. Siyempre tinignan ko kung sino yung pesteng tumatawag sa akin..
Calling..
Chino
Hayz, aging aga tumatawag na kaagad ito. Ano kayang kailangan nito sa akin.
“Hello.” Bungad ko
“Good morning Mark! Musta ka? Ano ginagawa mo?”
“Chino naman.. 6:30 pa lang ng umaga tumatawag ka na? Hayss, natutulog pa yung tao eh.”
“Eh name-miss kasi kita.”
“Parang kahapon lang magkasama tayo ah. Halos buong araw. Miss mo na ko kaagad? Walang pang bente kwatro oras tayong nagkakahiwalay!”
“Eh. Basta na-mimiss kita.”
“HEH! Aga aga kasi kung tumawag. Tulog muna ako ulit ha. Maya ka na tumawag!”
“Wala bang kiss?”
“HEH! Magtigil ka nga!”
“Sige sige, basta walang bawian ha!”
“Tsssssssss” sabay baba ko ng cp.
Pinaalala nanaman niya. Tsk tsk tsk. Pilit kong kinakalimutan ang pagtatapat na ginawa niya. Hindi pa ako handa at hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko. OO, pa hard to get ako pero ginagawa ko lang naman ‘to dahil takot na rin kasi akong mahulog. Takot akong mahulog sa isang paraiso na sa huli’y isa pa lang patibong. Sa huli, ako rin ang magsisi. Kailangan ko munang mag-isip at manigurado sa mga bagay bagay bago ko tugunan ang pagtatapat niya.
Tsk. Tsk. Tsk. Malas! Sinira ni Chino ang tulog ko, ayaw na ayaw ko pa naman na masisira yun. Buti na lang mahal… Tsk ulit! Ano ba yan! Mukhang hindi na ako makakatulog muli nito. Kinuha ko na lang ang Ipod ko at nahigang muli sa kama. Mag-uumpisa nanaman ang mahaba-habang pagiisip ko.
Pano kung pagmamahal nga ang nararamdaman ko para kay Chino? Paano kung hindi lang pagmamahal para sa isang kaibigan? Paano kung ito na ang tamang time para hayaan ko muling umibig ang aking sarili? Paano kung ito na talaga ‘to? Paano?
1. Kung mahal ko nga si Chino, dapat masaya ako kapag kasama ko siya. Check!
2. Kung mahal ko si Chino, namimiss ko siya kapag hindi ko siya kasama. Check!
3. Kung mahal ko si Chino, parang may kulang kapag hindi ko siya kasama. Check!
4. So on and so forth, Check!
Ano pang problema? Check naman lahat, bakit hindi ko pa rin magawang aminin na mahal ko siya? Mahal ko pa ba ang ex ko? NAH! Eh bakit hindi? Siguro may mga bagay na hindi mo masasagot ng ikaw lang. Siguro may mga desisyon na kinakailangan ng panahon para ka makasigurado kung tama nga ang gagawin mo. Oo, masaya ako sa kanya. Pero paano kung may mga taong makakapagpasaya sa akin nang higit pa sa naibibigay niya? Paano kung nasasabi niya lang ang mga bagay na ganoon dahil bright side pa lang ang nakikita niya? Paano kung malaman niya ang mga flaws ko at hindi niya kayang mabuhay na kasama ang mga iyon? Edi, ako naman ang luhaan, ako nanaman ang iiwan? Ayoko nang mangyari yun!
GRRRRRRR! Ayoko nang mag-isip, nakakapagod at nakakalito. Erase! Erase! Ikakain ko na nga lang ‘to para makalimutan ko. Haysssssssssss!
Monday na Monday ang dami dami ko na kaagad iniisip. Paano pa pagdating ng Friday? Ano coma na ako sa kakaisip? Buti na lang at wala kaming pasok tuwing Monday, at least makaka-relax pa ang utak ko ng isa pang araw.
“Good morning Ma!”
“Good morning Mark! Kain ka na diyan ng breakfast.”
“Kayo po ba?”
“Nakakain na kami ng papa mo. Maaga kasi siyang umalis ngayon.”
“Ah ganun po ba? OK.”
Hayss, mukhang mag-isa nanaman akong kakain. Halos palagi naman. Si papa, busy lagi sa trabaho kaya hindi namin nakakasabay sa pagkain. Si mama naman kadalasan sinasabayan si papa. Kuya? Oo may kuya ako, ngayon ko lang nabanggit. Magkaaway kasi kami simula pa noong first year high school ako at simula noon ay hindi na kami nag-uusap at nagbabatian. Seriously, ganun ang set-up namin. Hindi ko nga rin maisip kung paano namin natatagalan na manirahan sa iisang bubong. Haysssss. Ang pagiging busy ni papa sa work at ang hindi pagpapansinan namin ni kuya ang naging dahilan na rin siguro ng pagiging bisexual ko. Napansin ko kasi na lahat ng naging ex ko ay matatanda sa akin. Unconsciously, naghahanap siguro ako ng father at brother figure sa iba kaya ako nagkaganun. Naghahanap ako ng care na mula sa isang lalaki na matanda sa akin. Hindi naman sa sinisisi ko sila, pero paano kaya kung parehong nandyan si papa at kuya? Magiging ganito kaya ako? Makilala ko ba ang mga taong kagaya ni Chino? Let’s look at the bright side, at least hindi na ako confuse ngayon sa kasarian ko at nakilala ko pa si Chino. Makakain na nga, kung ano ano nanaman ang iniisip ko.
Naguumpisa pa lang akong kumain ay nag-ring muli ang phone ko.
“Ano nanaman?”
“Kumain ka na? Hehe.”
“Actually, kumakain ako right now. Ikaw ba?”
“Opo. Sige kain ka na muna, tawag ako ulit mamaya. Bye!”
Ang kulit talaga ni Chino! Grrr! Pero bakit parang may halong kilig? Never mind! Kakain na lang ako ulit. Pagkakain ay kaagad akong naligo. Inayos ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko para ngayong week. Ilang minuto pa ay handa na akong umalis.
“Ma, aalis na po ako.” sabay bukas ng palad sa harap niya
“Diyan ka magaling! Sa allowance! O eto o!”
“Ma, nga pala, may babayaran ako sa isang subject namin tapos may babayaran din ako sa org.”
“Magkano nanaman?”
“Siguro additional 1000.”
“Oh eto oh. Mark konting tipid ha. Napaka-gastos mong bata ka!”
“Eh Ma, para naman sa acads ko yun eh.”
“O sige sige.”
“Hindi mo naman ako matitiis Ma eh. Hahaha. Pano, alis na po ako.”
“O sige sige, magingat ka ha!”
“Opo, bye ma! Miss you!” sabay kindat
“Bye! Miss you too.” Kumindat din pabalik sa akin si mama.
I love my Mom. Mama’s boy ako simula pagkabata pa lang. Ako palagi ang kasa-kasama niya sa lakad ng mga lakad niya. Sa tingin ko kasi ay mas pabor siya lagi sa akin kesa sa kuya ko. Pero pantay naman talaga ang tingin niya sa aming dalawa, mas spoiled lang ako. Spoiled brat ako simula pagkabata. Lahat ng gusto ko ay binibigay ni mama. Yun na rin siguro ang isa sa dahilan kaya kami nag-away ni kuya, tingin niya kasi mas mahal ako ni mama. Ewan ko ba, pero pagdating kasi sa pag-aaral, bigo sina mama kay kuya. Palabagsak kasi ito at lagi na lang may problema sa school. Ang bagsak tuloy ay sa isang walang kwentang kolehiyo, para lang makatapos. Kabaligtaran kasi sa akin, mahal na mahal ako ng school at noong makapasa ako sa exam sa isang sikat na unibersidad, tuwang tuwa si mama. Basta daw makatapos ako ay magiging masaya na siya at pwede na siyang magpahinga. Mahal ko rin naman kasi ang mom ko kaya ginagawa ko ang lahat para hindi siya mabigo.
Para saan ang extra 1000 na allowance ko? Wala, para lang may extra pera ako. Yan ang mali sa akin. Tuwing sasabihin ng mga kaibigan ko na ang yaman ko daw, ang sagot ko palagi “Di ah, sinungaling lang.” Nagagawa ko kasing gumastos ng malaki sa pagkain. Kain dito kain doon. Sinasabi nga sa akin ng barkada na simula noong nakasama nila ako, hindi na sila naka-ipon. Gastador ako aaminin ko pero at least sa pagkain. Napupunta sa bituka ko lahat ng ginagasta ko. Nakakakonsensya lang ay nagagawa ko pang lokohin si Mama para lang sa extra allowance. Magastos din kasi na tumambay palagi sa coffee shop kaya ko iyon nagagawa. Ewan ko ba, napaka-spoiled brat ko na nga, liar pa! Aminado naman ako. Masama akong anak, kaya binabawi ko na lang sa magandang performance ko sa school ang kamalian ko. At least, hindi ko pa rin binibigo si mama.
Pagkalabas ng bahay ay pumara ako kaagad ng jeep para na rin maaga akong makarating sa apartment. Isang oras na biyahe din iyon. Pagdating sa unit ko ay kaagad akong nag-ayos ng gamit. Naglinis na rin ako para naman hindi na nakakahiya sa kung sino mang bumisita. Around 2 pm na rin nang matapos ako sa mga chores ko noong araw na yun. Napagdesisyunan ko muling maligo kasi nanlalagkit na rin naman ako. Papasok na ako sa banyo ng may biglang kumatok, istorbo naman ito!
“Sandali lang!”
Pagbukas ng pinto ay tumambad sa akin si Chino. Kakabukas ko palang ng pinto ay kaagad na siyang nagnakaw ng halik sa pisngi ko.
“Good afternoon! Pwedeng pumasok?”
“Hindi! Magnanakaw!”
“Ano namang ninakaw ko sayo ha?” slow talaga
Tinuro ko na lang ang pisngi ko at na-gets na rin naman niya. Pumasok siya at direretso siya sa kama ko. Nahiga siya doon.
Tinignan ko siya ng matalas
“Oh bakit? Bawal bang mahiga?”
“Hindi naman! Bakit ka nandito?”
“To naman sungit sungit. Wala lang.”
“Diba dapat ginagawa mo na yung thesis mo?”
“Eh malapit nanamang matapos yun kaya okay lang na gumala muna ako.”
“Okay, kumain ka na?”
“Nope, bakit ipagluluto mo ako?”
“Hindi, kain na lang tayo sa labas.”
“Okay, tara!”
“Wait lang, magpapalit lang ako ng damit, pawisan na kasi ako.”
“Bilis.”
Naglakad na lang kami palabas, malapit lang naman kasi ang kakainan namin. Isang pastry / pasta shop yun. Mahilig kasi ako sa sweets kaya doon ko naisipan dalhin si Chino.
“Ano order mo Chino?”
“Ikaw, kung ano sayo. Kagaya na lang.”
“Ok. Dalawang baked macaroni, dalawang espresso brownies, dalawang sylvanas, dalawang iced tea, at dalawang basong tubig po.”
“Dami mo namang inorder.”
“Okay lang yan, gutom na kasi ako.”
“Hindi nga halata.”
Pareho pala kami ni Chino na mahilig sa sweets. After kasing maubos lahat ng inorder naming ay umorder ulit si Chino ng espresso brownies, 12 pcs pa. Siyempre take out nanamin yun para daw may makain kami mamaya sa apartment. Nag gala gala pa kami ulit ni Chino sa tabi tabi at nang mapagod ay bumalik na kami sa apt. Pagkapasok na pagkapasok ng unit ko ay hinila ako ni chino papuntang kama. Siyempre mas malakas siya sa akin kaya nakaladkad naman ako. Tinulak niya ako sa kama at inupuan malapit sa may tiyan.
“Ano nanaman ‘to Mr. Chino *** ******? Bakit kailangan mo pa akong kaladkarin at upuan ha?”
“SSSHHHHHHHHHHH!” at unti unting nilapit ang kanyang mga labi sa labi ko.
Hindi ako makapalag. Ano ba gagawin ko? Ang bigat bigat niya kasi at hindi ko magawang bumangon. Hawak niya din ang dalawa kong kamay kaya hindi ko siya maitulak. Anu na Mark? Wala na. Eto na malapit na. Malapit na! He kissed me like there’s no tomorrow. Pilit niyang pinapasok ang kanyang mga dila sa aking bibig, napaka-init. Noong una ay pinipilit kong pigilan ang aking mga labi. Pero naging mapusok siya at bumigay na rin ako. Gumanti ako sa bawat halik niya. Mas naging mapangahas ang aking mga labi. Pinantayan ko ang mga halik na binibigay niya. Unti unti akong nag-init. Binitawan niya ang mga braso ko. Hindi ko mapigilan ang sarili. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na inalintana pa ang bigat ng kanyang mga katawan. Sa tuwing bibitiw kami sa isa’t isa para huminga ay muli kaming babalik sa ginagawa namin. May nangyari sa amin. Yun ang first time na may nangyari. (sa ibang chapter ko na lang idedetalye. J)
Nang mahimasmasan na kami sa init na nadama, ay nahiga lang kami sa kama at tumingin sa kisame. Nagsalita siya.
“Sure ka na ba sa nararamdaman mo para sa akin? Kasi ako siguradong mahal na kita.”
Tahimik. Hindi ako sumasagot. May luhang tumulo sa gilid ng aking mata. Kahit ako mismo ay hindi ko namalayan ang pagtulo nito.
“Mark, bakit ka umiiyak?”
“Hindi, napahikab lang ako.”
“Ahh. Mark, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
Tahimik ulit. Sa totoo lang ay hindi ko pa alam ang isasagot ko pero patuloy siya sa pangungulit kaya napilitan na rin akong ilabas ang nasa damdamin ko.
“Chino, sa totoo lang, hindi pa ako sigurado. Mas lalo akong nag-doubt.”
Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya. Bakas na bakas sa mga mata niya ang kalungkutan. Hindi siya nagsalita.
“Nagda-doubt kasi ako sa nararamdaman ko. Siguro mas lalong nakasama yung ginawa natin kanina. Hindi ko alam kung making love o sex lang yung ginawa natin kanina. Hindi ko alam kung ginawa ko iyon dahil sa pagmamahal o dahil lang sa init ng katawan. Hindi ko alam kung totoong pagmamahal na ba yung nadarama ko para sa iyo. Imagine, wala pang isang linggo simula noong magkakilala tayo tapos ngayon heto nakahiga tayo sa iisang kama, hubo’t hubad. Sabihin na natin na marami na tayong alam sa isa’t isa, na sa kaunting panahon ay naka-bond na natin ang isa’t isa, sa kaunting panahon ay naging masaya na tayo sa tuwing magkikita tayo pero masasabi mo na ba kaagad na pagmamahal yun? Alam ko na mali na nagpadala ako sa init ng katawan ko kanina… kaya ko nagawa yun. Pero masisi mo ba ako? Tao lang ako Chino, natutukso din paminsan minsan. Oo nga may nararamdaman ako sayo pero naguumpisa pa lang yun na tumubo. Nasa first stage pa lang. Nadedevelop pa lang. Hindi ako sure kung totoo ngang mahal kita o mahal kita dahil masaya ako. Magkaiba yun. Ayokong maging unfair.” Mahaba kong litanya.
Tahimik. Magsasalita pa sana ako ng maunahan niya ako.
“In short, hindi ka pa handa?”
“Parang ganun na nga. Ikaw ba sigurado ka na ba sa nararamdaman mo? Baka mamaya pareho lang tayo. Baka mamaya nasasabi mo lang na mahal mo ako kasi masaya ka kapag kasama mo ako. Ginawa mo ba yung kanina dahil sa love or dahil sa lust? Chino, hindi mo pa nakikita ang mga flaws ko. Hindi mo pa nakikita ang kabilang side ng pagkatao ko. Hindi mo pa ko kilala talaga. Marahil ganun din ako. Hindi pa rin kita kilala. Hindi ko pa rin nakikita ang mga downsides mo. Hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang mga kahinaan mo. Mahirap na. Maybe kailangan pa natin ng time para makilala ang isa’t isa. Hindi ko sinasabi na wala tayong pag-asa, masyado lang maagang na-develop ang pagiging magkaibigan natin. Para tayong premature baby, kulang pa sa buwan. Walang kasiguraduhan kung makaka-survive ba gamit lang ang incubator. Kung maka-survive, edi good masaya ang lahat. Pero may risk pa rin na hindi makayanan, at kapag nangyari yun may masasaktan.” Hindi ko na naman napigilan ang kadaldalan ko.
Napangiti siya pero bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Oh bakit ka naka-ngiti diyan? Naiintindihan mo na ba ako?”
“Ang corny mo kasi, premature premature baby ka pang nalalaman.”
Napangiti rin naman ako sa sinabi niya. OO nga ang corny ko.
“Pero seryoso Chino, naiintindihan mo na ba ako?”
“Sa haba ba naman ng sinabi mo, wala pa ba akong maiintindihan dun?”
“So okay lang na sa ngayon friends lang muna tayo?”
“Best friends?”
“Di pwede kasi may best friend na ako eh. Diba nabanggit ko na sayo si Anne. How about Boy Best Friends?”
“Much better.”
Kung ano ano pang pinagusapan namin noon bago pa kami nakatayo mula sa pagkakahiga naming dalawa. Sabay kaming naligo, wala nang follow up na nangyari. Walang touch touch sa hindi dapat hawakan. Walang halikan. Casual lang. Pero hindi daw niya mapigilan ang sarili niya na yakapin ako kaya pumayag na rin naman ako.
Pagkatapos maligo ay nanood pa kami ng movie sa laptop habang kinakain namin ang brownies na binili namin kanina. “If Only” ang pinanood namin at dahil love story ay hindi niya mapigilan ang pagyakap sa akin. Ang sweet nga, nilalanggam kami pareho. Siguro ito ang kailangan namin, mas maraming bonding moments para makilala pa ang isa’t isa. Doon siya natulog sa apartment ko ng gabing iyon. Siyempre nakayakap pa rin sa akin. At siyempre, wala na ulit nangyari sa amin.
Maaga kaming gumising dahil maaga pa ang klase ko at samantalang siya ay makikipagkita pa sa adviser niya sa thesis. Naging masaya ako noong araw na iyon. Siyempre okay na kami ni Chino, bawas na ang iisipin. I ay We pala, We decided that we should take things slowly. Unti unti.
Buong araw akong nakangiti. Napansin naman ‘to ng magaling kong best friend.
“Hoy Mark! Bakit abot tenga yata ang ngiti mo diyan ha?”
“Wala, wala kang pake! Hahahaha”
“Aba, ito! Baka gusto mong ipabugbog kita kay Austin?” pagtukoy ni Anne sa pangit niyang boyfriend. hehehe
“Subukan mo, baka sabihin ko sa kanyang may nakaraan tayong dalawa at hanggang ngayon ay naghahababol ka pa rin sa akin.” Sabay tawa ng malakas
“Ito! Ang kapal mo! Sino kayang na-busted! Busted ka lang sa akin kaya bitter ka!”
“Sinong bitter? Napansin mo lang na ngiting ngiti ako ngayon parang nagseselos ka na.”
“Hindi ah. Seryoso, bakit ang saya mo ngayon ha?’’
“Wala, it’s complicated.”
“Sabi na nga ba eh! May love life ka ngayon no?”
“Medyo. Ano magseselos ka na?”
“Hindi no. Pero Mark bakit ganun? Kahit isa sa naging girlfriend mo hindi mo pinakilala sa amin?”
“Eh, ayoko eh. Madamot kasi ako. Haha.” Wala naman akong ipapakilalang girlfriend eh, boyfriend meron pa. Hehe.
“Siguro hindi girlfriend yun noh? Baka boyfriend. Nyahahaha.”
“Ayan ka nanaman! Hindi ako bakla noh!” Hindi nga ako bakla, bisexual naman. Tsaka hindi pa ako handa na magladlad.
“Tara na nga, mag-lunch na tayo!”
“Tara, KFC!”
“Tara!”
Palagi kaming ganyan ni Anne mag-usap. Puro alaskahan. Minsan may halong batukan pa. Siya lang ang babaeng binabatuk batukan ko. Hehe. Tsaka para na kaming magkapatid nito. Lagi kasi kaming magkasama. Minsan nga napapagkamalan pa kaming magsyota. Maputi, chinita, tuwid ang buhok, mabait, may sense of humor, at higit sa lahat ay sobrang talino. Hindi mo iisipin na ang kaharap mong babae ay puros UNO at line of one ang grade sa lahat ng subjects namin. Hindi siya mukhang nerd, katunayan fashionista nga daw siya (sabi niya) kasi dream din daw niya maging fashion designer. Yan ang mga dahilan kung bakit tinangka ko siyang ligawan dati. Pero ngayon, hanggang bf na lang kami. Aaminin ko may nararamdaman pa ako sa kanya at sa tuwing kasama niya ang boyfriend niya ay nagseselos ako. Simula noong ma-busted ako ay hindi na nawala ang pagtingin ko sa kanya. Hindi ko yun maipaliwanag. Minsan nga ay sinusulsulan ko pa siyang makipag-break sa boyfriend niya para kami lang lagi ang magkasama. Ewan ko, napakagulo kasi ng utak at puso ko. Hindi ko alam kung bakit kahit na may iba na akong mahal ay may puwang pa rin siya sa puso ko. Siya na siguro ang one great love ko, sa womens category. Hehehe
Tuloy pa rin ang araw kong masaya. Siyempre tambay kasama ang barkada. Pasok sa lecture, kulitan habang naglelecture ang boring na prof., kain ulit at kung ano ano pa. Ang tanging pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi nagtetext sa akin si Chino simula noong maghiwalay kami. Bakit kaya? Wag na ngang isipin, tuloy na lang sa buhay.
Natapos ang araw na iyon at hindi pa rin nagtetext si Chino. Ayoko ko namang itext siya baka sabihin niya nami-miss ko na siya kaagad. Siguro nga namimiss ko siya pero bakit eh parang kanina lang magkasama kami? Pero bakit hindi siya nagtetext? Kadalasan naman nagtetext yun. Sige isip isip pa. Isip pa. Mag-isip ka pa…. nakatulog na ako.
Wednesday, Novembre 19, 2008
Isang linggo na simula noong magkakilala kami ni Chino. Nagising ako dahil sa pagtunog ng aking cellphone. Dali dali naman akong bumangon para tignan kung sino ang tumatawag. Pagkakuha ay kaagad kong tinignan kung sino, pero na-disappoint lang ako. Nag-alarm nga pala ako, parehong kanta ang ginagamit ko para sa ringtone at para sa alarm. Eh bakit nag-eexpect ako? Alam ko naman na mag-aalarm yung cp ko? Bakit ko iniisip na baka kung sino yung tumatawag? Bakit iniisip kong tatawagan ako ni Chino? Hayssssss
Tsinek ko ang mga text messages na na-receive ko. Sa dami nun, kahit isa na galing kay Chino ay wala. Wala kahit isa? Nakakapanibago. Ma-pride ako kaya hindi pa rin ako magtetext. Tuloy pa rin ang araw ko. At dahil iisa lang ang klase ko noong araw na iyon ay maaga akong nawalan ng gagawin. Hindi ko pa rin maatim na i-text si Chino. PRIDE! So si Anne na lang ang tinext ko.
May klase pa noon si Anne kaya naman naki-seat in na lang ako sa class niya. Madalas naming ginagawa yun lalo na kapag large class. After nun, wala na ring klase si Anne kaya naman buong araw kaming magakasama. Kain, gala, tambay…. Pero parang may kulang pa rin. Bakit ko naiisip si Chino? Miss ko lang siguro.
Napansin ni Anne na nawala ang abot tengang ngiti ko kahapon. Ganun kasi kami, alam namin kapag nag-iiba ng mood ang isa or kung may problema.
“Hoy Mark, bakit parang nakipag-break na kaagad sa iyo yung ka-“it’s complicated” mo?”
“Hindi ah.. bakit naman?”
“Eh tignan mo yang mukha mo, parang hindi maintindihan ang gagawing expression?”
“Huh?”
“Ano ka ba ha? Malungkot o masaya? Hindi mo alam kung ngingiti ka o sisimangot.”
“Ows? Wala ‘to. Tara na? Kain ulit tayo?”
“Sigurado ka ha? Saan tayo kakain?”
“tara Mcdo.”
Kapag may mga bagay na ayaw pag-usapan ng isa sa amin ay tiyak magyaya yun na kumain. Ganun kami, kapag naco-corner na, magyayang kumain at kadalasan sa fast food. Alam na kapag ganoon. Ibig sabihin noon kalimutan na lang o saka na lang natin pag-usapan.
Ganun pa rin, hindi nagparamdam sa akin si Chino ng buong araw. Natapos ang Thursday ko ng walang text. Friday? Wala pa rin. Naging busy na rin ako ng mga araw na yun kaya hindi ko na rin magawang magtext. At isa pa, iniisip ko pa rin ang PRIDE ko. Mukha na akong sabon pero hindi ko pa rin binibitawan ang PRIDE ko dahil ganun ako.
Saturday, walang magawa. Kung magmumukmok naman ako sa apartment ko ay tiyak maiisip ko nanaman si Chino. So I texted Anne para lumabas kami.
Naggala kami sa SM Sta. Rosa. Ano ba yan, malapit na naman kay Chino! Pero never mind. Kain dito. Gala diyan. Bili dito. Bili diyan. Pero si Chino pa rin ang naiisip ko. Buong araw din kaming magkasama ni Anne noon. Maggagabi na kaya niyaya ko na si Anne na mag-dinner na kami. Siyempre gutom na ulit ako kakagala.
Habang kumakain…
“Anne. Paano kung may taong kakakilala mo pa lang.”
“Tapos?”
“tapos sasabihin niya in love siya sa iyo. Ano iisipin mo?”
“Ganun? In love kaagad? Siyempre may doubt ako. Pero it depends in the situation.”
“Paanong it depends?”
“Teka, mahal mo ba yung taong yun? Kasi kung mahal mo din siya, edi ni problem. Mutual ang nararamdaman niyo sa isa’t isa. Pareho kayo ng nararamdaman kaya ibig sabihin, mahal ka nga niya at mahal mo siya. Ang love naman hindi yan sa kung gaano na kayo katagal magkakilala. Ang love, kapag dumating, hindi mo pwedeng pigilan. Wala din yan sa tagal ng pinagsamahan niyo, pwede rin kasi na kahit kakakilala niyo pa lamng ay mag-sprout na kaagad ang pagiibigan sa pagitan niyong dalawa. Pwede ring kahit na matagal na kayong magkakilala, masasabi mong love yung nararamdaman mo pero hindi rin naman pala. Magulo kasi ang buhay pag-ibig. Parang kapag pumunta ka sa divisoria, makikipagsiksikan ka para lang mahanap ang the best na damit na pwede mong mabili. Sa love naman, kaialangan mong makipagsiksikan para lang mahanap ang tunay na pagibig. Pwedeng nasa bukana lang at mabilis mong mahalungkat. Pwedeng nasa dulo at kailangan ng oras para lang maka-sigurado ka lang sa bibilhan mo.”
“Magkaibigan nga tayo, parehong madaldal. Hahaha.”
“Tangi! Nagbibigay lang ng advice.”
“Eh paano kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo?”
“Well, you just keep on looking for the right clothes until you find the right one that fits you best.”
“Clothes na naman. Hehe. Mukha ka talagang damit.”
“Ako pa? eh Teka nga, yan ba ang dahilan ng pagiiba iba ng mood mo noong nakaraang araw?”
“Sort of. Pero hindi ko alam. Never mind.”
“Ayieee. In love ka nanaman. Kumain na lang tayo.”
“Okay.”
Matapos naming kumain ay naglakad lakad pa kami ni Anne sa loob ng mall. Pumasok si Anne sa loob ng Bench so pasok din naman ako. Mahilig kasi kami pareho sa damit kaya kami nagkakasundo. Habang tumitingin ng damit ay may pamilyar akong mukha na nakita sa labas ng store. Hindi ako nagkakamali, si Chino iyon. Oo si Chino nga! Pero bakit may kasamang lalake? Gwapo din katulad niya. Kapatid ba niya yun? Hindi. Only child nga lang pala si Chino. Eh sino yun? Mukhang masaya sila. Hindi ko magawang tawagin siya dahil kasama ko si Anne. At tsaka nakakahiya din sa kasama niya. Hinayaan ko na lang.
Paglabas namin ng Bench ay nagyaya na akong umuwi. Tahimik lang ako habang nagbibiyahe kaming dalawa. Alam niya na may problema ako kaya tahimik ako. She didn’t bother to ask na kasi alam niya na ayaw kong pag-usapan. Sa bahay na namin ako umuwi para naman may kasama ako. Baka kasi malungkot lang ako sa apartment.
Dumating ako sa bahay ng nakasambakol ang mukha. Hindi na rin nag-bother si mama na kausapin ako kasi alam niya na pangit ang mood ko. Diretso na ako sa kwarto. Kinuha ang Ipod ko. Sinalpak ang headset at nakinig sa mga kantang nakakapag-pasaya sa akin. Walang epekto. Imbis na sumaya ay sumiksik pa sa utak ko ang mga katagang “Masaya sila”.
Nagseselos ba ako? Oo nagseselos ako. Pero may karapatan ba akong mag-selos? Eh ako nga itong may ganang tumanggi sa nararamdaman ni Chino. Tsaka, akala ko ba hindi pa handa ang kalahati ng pagkatao ko na umibig? Eh bakit daig ko pa ang babaeng inagawan ng asawa? Bakit? Mahal ko ba si Chino? Maybe. Siguro. OO? Hindi ko alam. Pero diba sabi ni Chino mahal niya ako? bakit may kasama siyang iba at mukhang masayang masaya pa sila? Eh baka kasi kaibigan lang niya yun o pinsan. Bakit ba ako nagiisip ng ganito? Tuloy pa rin ako sa pag-iisip ng makatulog na rin ako dahil sa sobrang pagod.
Sunday, November 23,2008
Late na akong nagising. Around 1:00 pm na rin. Takaw tulog kasi ako. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Basa ng messages at himala… merong galing kay Chino. Excited ba ako o ano? Pero nangibabaw pa rin sa akin ang tampo sa hindi niya pagtetext ng ilang araw plus yung nakita ko pa kahapon. Binuksan ko ang message niya
Hey Mark! Punta ako sa inyo mamaya ha.
Hindi ko siya ni-replyan. Bahala ka sa buhay mo. Hindi naman kita pinipigilan. At ano ba ako sa buhay mo para magpaalam ka pa sa akin na pupunta ka sa bahay namin? Go lang ng Go! Hindi ko maintindihan ang mood ko noong umaga este tanghaling iyon. Hindi ko alam kung magseselos ba ako o matutuwa. Bahala na nga! Lumabas ako ng kwarto ng nagsisipilyo. Ugali ko na kasi iyon. Pagala-gala habang nagsisipilyo. Sa ibaba ko na planong magrinse. Pagbukas ko ng pinto ay nakarinig ako ng mga taong naguusap sa may bandang dining area. Siyempre doon na ako dumiretso kasi may pagka-usisero ako. Brush. Lakad. Brush. Lakad. Pagdating ko sa dining area…. Napanganga na lang ako sa nakita. Puno pa nang bula ang bibig ko ng…
“Goodmorning Mark! Kanina pa kita hinihintay!”
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment