From Yesterday 5: Jump then Fall
“ I like the way I can’t keep my focus. I watch you talk, you didn’t notice. I hear the words but all I can think is we should be together. ‘Cause every time you smile, I smile. And every time you shine, I’ll shine for you. I am feeling you baby. Don’t be afraid to jump then fall into me. I’ll be there, never gonna leave you. Say that you want to be with me too.”
“I love you Chino!”
“I love you too Mark..”
Naglapit ang mga mukha namin. Unti unting lumapat ang kanyang mga malambot na labi sa akin. Lumaban ako. Mainit ang aming halikan…… nang biglang….
Napamulat ang aking mga mata. Oh no!
Nakalapat ang mga labi ko sa labi ni Chino. Tulog ito. Walang kamalaymalay. Panaginip lang pala! Mukhang na-carried away yata ako sa panaginip ko ah. Teka, bakit mukhang nag-eenjoy yata ako sa posisyon namin. Tinignan ko ang mukha niya habang nasa ganoong pwesto, mala-anghel talaga. Ang ganda ng kanyang mga pilik mata, ang tangos ng ilong, ang kinis ng kutis, man of my dreams! Sige Mark mag-enjoy ka lang diyan ha.
Nakayakap pa rin sa akin si Chino. Hindi ko pa rin tinatanggal ang aking mga labi. Parang naka-glue yata sa labi niya. Ayaw matanggal. May kung ano sa loob ko na pumipigil sa aking sarili na umalis sa posisyon namin Chino. At ang panaginip ko? Totoo bang yun ay bunga ng mga unconscious emotions na nadarama ko? Mahal ko na ba si Chino? Bakit ako mananaginip ng ganoon? Bakit?
Isip pa rin Mark ha habang nageenjoy ka sa pangrerape mo sa labi ni Chino. Pangrerape? Eh nakalapat lang naman ah? Anong masama dito?
Isip. Isip. Isip. Isip.
Sige isip pa.
Mag-isip ka hanggang magsawa ka!
Masyado na yatang napalalim ang pag-iisip ko. Napatingin ako sa mata ni Chino. Oh My God! Mulat na ito. Pinapanood lamang ako sa ginagawa ko sa kanya. Napahiwalay akong bigla sa kanyang labi. Pumikit ako. Ayokong makita ang kanyang reaksyon. Magagalit ba siya sa akin? Susuntukin niya kaya ako? Ano?
Unti unti kong minulat muli ang aking mga mata. Slow motion na tinitigan ang kanyang mukha. Nakangisi lang siya. Pinikit kong muli ang mga mata ko. Ang tanga mo Mark! Masyado ka kasing na-carried away, ayan tuloy wala kang mukhang maiharap sa kanya. Ngayon ka mag-isip isip isip isip.
Mag-pretend na lang akong tulog ulit? Tama! Kunwari tulog ako ulit tapos mamaya pagka-gising ko kunwari ay makakalimutan na namin ang nangyari. Tama!
Hindi ako kumilos ng ilang minuto. Patuloy na nagpre-pretend na tulog ako. Tahimik lang si Chino. I wonder kung anung iniisip nun. Mukha namang effective ang plan ko…
“Hoy Mark, wag ka nang magpretend na tulog ka. Alam kong gising ka!” si Chino, medyo galit na tono.
Patay tayo diyan. Mukhang nagalit yata ang kumag. Pero bakit nakayakap pa rin? I smell something fishy…
Nilakasan ko na ang loob ko at binuksan kong muli ang aking mga mata. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Gago! Nakangiti si kumag! Anu nanaman kayang trip nito?
“Akala mo siguro galit ako sayo no? Hahaha. Good Morning Mr. Mark *******!”
“Pinakaba mo ako dun ha, Mr. Chino *** ******!”
“Ikaw ha, pinagsasamantalahan mo nanaman ako. Agang aga ay pinagnanasahan mo na ang lips ko!”
“Nanaginip kaya ako. Akala ko kasi katabi ko yung ex ko kaya hinalikan ko.” Palusot ko sa kanya
“Osus! Palusot ka pa, aminin mo na kusa mong ginawa ang paghalik sa akin.”
“Hindi nga! Promise!”
“Sinabi ko naman sayo na willing akong may mangyari sa atin basta text mo lang ako!” sabay ngisi
“Oo na, pinagnasaan ko na labi mo! Happy?” sarkastikong pagkakasabi
“S-O-B-R-A!” sabay ngiti sa akin
“I was being sarcastic! Sumakay ka naman!”
“Oo, enjoy kasing sakyan!”
“Whatever!”
“Hahaha! Loser!”
“Jerk!”
“Bitch!”
“Whore!”
Tawanan kaming dalawa. Umagang kayganda! Sobrang ganda! We stayed in bed for another hour. Kulitan. Asaran. Pillow fight! Yup, parang tanga kaming dalawa. Hindi mo ma-imagine na dalawang lalaki ay nag-pipillow fight. Oh well, kalahating lalaki lang naman ako. Kaya one and half lang pala. Hehehe
After nang kulitan ay sabay kaming nagtungo sa CR. FYI, naka-yakap pa siya mula sa likuran ko. Heaven! Sabay kaming nag-toothbrush. Sabay naghilamos. Sabay nag-gargle ng mouthwash. Ginagaya niya yata ang ginagawa ko pero ayos lang. After mag ayos ng sarili ay lumabas na kami ng kwarto niya at tinungo ang kitchen.
“What’s for breakfast?” si Chino
“I dunno, aba bahay mo ‘to kaya ikaw dapat may alam.”
“Bahay mo din ‘to, you’re my wife for the day!”
“WTH! Wife for the day? Agang aga baka suntukin kita diyan eh!” Siyempre ang pinanggagalaiti ko ay yung term na wife pero tuwang tuwa naman ako sa scenario.
“Edi sige, husband for the day! Masaya ka na Mr. *******?”
“Much better. Since naging mabait ka naman kaya papayag na ako.” mas okay siguro kung husband not just today
“Asawa ko for the day ano breakfast natin?”
“Let’s see…” sabay buklat at halungkat sa laman ng refrigerator ni Chino.
“Can you make it fast? I’m starving!” sabay bitiw ng ngisi
“Akala ko ba HUSBAND for the day ako dito ha? Mukhang abused na maid ang dating ko ngayon?”
“Hehehe. Tama na nga ang daldal mo diyan asawa ko at maghanda ka na nang almusal!”
“Ok po sir! Anu pong gusto niyo sir? We have fried eggs serve with a sarcastic smile. Meron ding bacon and jizz. So alin po?”
“Gagi! Sige na Mark na asawa ko for the day, magluto ka na nang kahit ano.”
“Say please… with conviction”
“PLEEAASSEE!”
“Say please… yung natatae”
“PLEEEEEEEEEEEASSSSSSSSSSSEEE!”
“Say please… yung tipong nasa climax ka na!”
“Gago! Hindi ako uto-uto! Please magluto ka na dyan!”
“Ok po Boss.. akala ko kasi kakagat ka.”
“Gusto mo namang makita kung pano ako kapag nagla-climax na kaya mo pinagawa yun?” sabay ngisi
“Whatever Mr. *** ******.”
Pinagpatuloy ko ang paghahalungkat sa refrigerator ni Chino. May ham, egg, bacon at lettuce. Clubhouse na lang! BTW, hindi naman sa pagmamayabang pero hilig ko ang pagluluto at mukhang gustong gusto naman ako nito. Grade 3 pa lang ako ay sa kusina na ako naglalaro, assistant ni mama. Nag-plan ako na kumuha ng Culinary arts pero mas may malaking opportunity na dumating sa akin kaya nag-iba ang plans ko.
“Chino, may loaf of bread ka dito?” sabay baling sa kanya
“Yup, diyan sa may pantry, makikita mo naman kaagad yun.” Habang naghahanap ng magandang channel na panonoorin
“Ok, found it!”
Kumuha ako ng frying pan at hinalughog ang kinalalagyan ng cooking oil. Binuksan ang stove. Inintay uminit ang frying pan. Niligay ang mantika. And the rest is history. Siyempre nag-fry muna ako ng bacon,egg pati ham. Hinimay ang lettuce at nag-slice ng tomato at cucumber. Nilagay sa first layer ang ham at tomato, sa second layer ang egg at lettuce, third layer ang bacon at mayo. Nilagay sa oven toaster. Wait for 3-4 minutes. VOILA! Club con Mark! Hehehe.
Siyempre nag-prepare din ako ng juice. Naghalungkat nanaman ako sa pantry ni Chino. And bingo! May half gallon na four seasonsn na naka-stock si Chino. Siyempre binuksan ko na yun ng hindi nagpapaalam sa kanya. Naghanap na rin ako ng pitcher at ice. Siyempre may mala-detective instincts yata ako kaya nahanap ko naman kaagad. Inayos ko na rin ang table. Kinuha ang clubhouse sa oven toaster. Nilagyan ng garnish, sliced na tomatoes and cucumber. Kumuha ng dalawang baso. Kinuha ko na rin ang mga place mats na nakasabit sa may sink.
Tinignan ko ang kinalalagyan ni Chino. Nag-eenjoy itong manood ng TV. Talagang pinabayaan na ako dito sa kusina eh! Dapat lang may kapalit ‘tong…… kiss. Sayang naman ang effort ko kaya kahit compliments ay okay na. Hehehe. Papansin talaga.
“Hey Chino! Breakfast is ready!”
“Ok, punta na ako diyan asawa for the day!”
“Gago! Bola ka pa diyan!”
Nakatalikod ako sa kanya ng bigla niya akong niyakap. Siyempre kinilig naman ako. Hindi pa siya nakuntento at inamoy amoy pa ang leeg ko.
“Asim ah! Haha.” Sabay bitiw ng yakap
“Loko! Maupo ka na nga and let’s eat!”
“Ok asawa ko for the day!”
Nilagyan ko ng dalawang slice ng club house sandwich ang plate ni Chino at sinalinan nang juice ang kanyang baso. Kinuha naman niya kaagad ang nilagay ko sa kanyang plato at kinagat. Sumimangot ang mukha, napailing.
“Anong klaseng sandwich to ha?” si Chino
“Clubhouse” may halong disappointment ang boses ko
“Bakit wala akong malasahan kundi…”
“Kundi?” sumasama na ang expression ko
“Kundi….pagmamahal! Hahaha! Cheesy!”
“Mambobola! Akala ko naman kung ano na! Seriously, anong lasa?”
“Masarap, siyempre ikaw may gawa.”
“Ganun? May halong bias?”
“Hahaha. Kain na nga tayo.”
“OK!”
Kulitan habang kumakain, may halong subuan ng pagkain. Sulit naman ang pagod ko sa pagluluto, at least mukang nasiyahan si Chino. After kumain ay sabay naming niligpitan ang mga pinagkainan namin. Walang katapusang kulitan ulit. Punasan ng bula sa mukha, basaan, mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sa amin. Kahit na mga simpleng bagay ay nagagawa pa rin naming espesyal. Siyempre, bonding ang pinaka-best naming pwedeng gawin… sa ngayon.
After ng kulitan sa kitchen ay naupo kaming magkatabi sa sofa. Nanood ng TV. Pero parang nabaliwala si TV sa pinaggagawa namin. Pinahiga niya ako sa lap niya. Kulitan pa rin. Titigan na may halong kalokohan. Pitikan ng ilong at kung anu anu pa. Nang magsawa na kami ay nagpasya kaming maligo na. And this time sabay! Si Chino ang nagrequest nun kasi nga daw asawa niya ako for the day kaya ako, go na go! Haha
Siyempre binantayan ko ang sarili ko, mamaya kung ano ano nanaman pumasok sa isip ko. Hehe. Boxer shorts lang ang suot namin pareho noong pumasok kami ng banyo. Ako muna ang pinaliguan niya. Siyempre enjoy naman ako. Tapos siya naman. Normal na pagpapaligo lang ang ginawa ko, todo pigil sa mga bagay na pumapasok sa utak ko. Halos mabaliw na ako sa pagpipigil pero natapos ko rin ang pagpapaligo ko sa kanya ng hindi ako bumibigay sa tawag ng libog. Ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalwa. Ayoko talaga!
“Done!” sabi ko kay Chino.
“Dito muna tayo sa ilalim ng shower, please.”
“Okay, ikaw pa malakas ka sa akin.”
Niyakap nanaman niya ako mula sa likod. Muli, hindi na ako umangal. Ninamnam ko na lang ang bawat sandali na magkayakap kami. Alam ko naman na walang pag-asa kaming dalwa, kahit pa payakap yakap sa akin ‘to ay straight pa rin siya. Masisira lang ang pagkakaibigan naming kung sakaling may mamagitan sa amin. At least, kung friends lang kami, matagal kaming pwedeng magsama.
Tahimik lang kaming dalawa. Walang kibuan. Ninanamnam ang sarap ng tubig na dumadaloy sa katawan naming dalawa. Walang pakialam sa oras. Walang pakiaalam sa mundo.
“Mark, pano kung mahulog ako sayo?”
Binasag ni Chino ang katahimikan. Nagulantang ako sa mga sinabi niyang kataga.
“Hu-huh?”
“Pano kung mahulog ako sayo?”
“Edi pisa ako!” sabay tawa. Dinaan ko na lang sa biro ang sagot ko. Hindi pa ako handa.
“Gago! Hahaha. Loko ka rin naman pala!”
“Totoo naman eh! Sa laki mong yan, hindi pa ba ako mapipisa?”
“Hehe. May point ka. Tara na?”
“Tara!”
After naming makabihis ay dumiretso na kami sa labas ng flat niya. Sumakay sa kotse at lumarga papunta sa apartment ko. Sa tagal ng byahe ay nakatulog ako. Na-drain yata ang energy ko sa mga sinabi kanina ni Chino. Nagising na lang ako sa isang malakas na sampal sa aking pisngi…
“HOI! GISING!”
“SHIT naman Chino! Bakit kailangan pang sampalin ha?!” sagot ko na may halong pagka-inis
“Kanina ko pa kasi kita ginigising hindi ka kumikibo”
“Nasaan na ba tayo?”
“Sa tapat ng apartment mo”
“Ah ganun ba? Sige wait mo lang ako dito at kunin ko lang mga damit ko.”
“Ok.”
Pagkalagay ko ng mga damit sa kotse niya ay dumiretso na kami papunta sa bahay. Nagprisinta kasi siyang ihahatid na daw niya ako sa bahay para hindi na ako mahirapan na mag-commute. Dahil marami rami rin ang ipapa-laundry ko ay pumayag na rin ako. Same routine pa rin pagdating sa byahe, kulitan, asaran at lambingan. Ilang saglit pa ay dumating na kami sa bahay. Nang makapag-park na kami ay lumabas na kami ng kotse at dumiretso sa loob ng bahay. Si mama lang ang tao sa bahay nang mga panahong iyon. Pinakilala ko naman kaagad si Chino kay Mama.
“Ma, I’m home! Si Chino nga pala, friend ko.”
“Pasok ka hijo. Nagugutom ba kayo? Paghanda ko kayo ng merienda?”
“Chino po, nice meeting you po. About dun sa merienda, hindi na po busog pa po ako.”
“Baka nahihiya ka lang.” pagpupumilit ni mama
“Nope ma, we’re both fine. Akyat lang po kami saglit sa kwarto ah.” sinagip ko na si Chino sa pagpipilit ni mama.
“Sigurado kayo ha? Sige at mamaya nga pala Mark tulungan mo akong mag-organize dito ng files ha.”
“Ok po.” Eto nanaman ang ayaw ko.
Pag-akyat ng kwarto
“Not bad” si Chino
“Not bad? Alin?”
“Itong kwarto mo. Maganda naman kaso ang kalat.”
“Hindi kasi nalinis gawa nang dala ko yung susi.”
“Eh bakit hindi mo nilinis before ka umalis?”
“Nagmamadali kasi ako last time kaya ayan.”
“Burara!” si Chino sabay tawa ng malakas
Kwentuhan pa kami ulit. Kwento lang. Maya maya nag-iba ang ihip ng hangin…
“What if mag-fall ako sayo Mark?”
“Chino ayan ka nanaman, hihirit ka nanaman?”
“Hindi Mark, seryoso ako sa sinasabi ko.”
“Na nahuhulog ka na sa akin?”
“Yup.”
“Chino, mahirap paniwalaan yang sinasabi mo. Iilang araw pa lang simula noong magkakilala tayo tapos ngayon nahuhulog ka na sa akin? Tapos straight ka pa, mahirap yan!”
“Bakit possible naman na magkahulugan ang dalwang tao sa loob lang ng maikling panahon ah? Tsaka may sinabi ba akong straight ako?”
“Anung ibig mong sabihin? Bisexual ka r-rin??”
Tahimik. Hindi rin ako makapagsalita. Tama nga naman ang sabi niya, wala siyang nabanggitn na straight siya pero hindi mo mabakas sa itsura mo ang pagiging ganoon. Sabihin na nating naglalambing siya pero, pero pero. Naguguluhan na ako!
“Oo, Bisexual din ako. Hindi mo ba nararamdaman huh? Hindi mo ba naitatanong kung bakit ako laging naglalambing sayo noong makilala palang kita? Kung bakit ako yakap ng yakap sayo?”
Tahimik ako. Nagbuntong hininga.
“Mahirap yang sinasabi mo. Sabihin na nating may nararamdaman ka sa akin, pero hindi pa natin sigurado kung ano nga yun. Atsaka kakakilala palang nating dalawa, impossible talaga. Kahit ako may nararamdaman ako pero hindi pa rin ako sure sa kung ano man iyon. Nahuhulog? Baka kasi nag-eenjoy ka lang talaga kung kasama ako. Tsa..”
Naputol ang pagsasalita ko ng bigla niya akong halikan sa labi. Naging mapusok siya pero hindi ako nagpatalo sa sinisigaw ng damdamin ko. HINDI DAPAT, hindi. Hindi ako pwedeng pang magkamali muli. Itinulak ko siya na siya niyang kinagulat.
“Chino , mas mabuti siguro kung aalis ka na ngayon.”
“Mark, sorry. Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako.”
“Nabigla? Ok. Ngayon nabigla ka na lang. Hindi ka sure kung gusto mo talagang gawin yun. Parang yung nararamdaman mo, siguro nabibigla ka lang.” kalmado kong sinabi sa kanya
“But Mark…”
“Chino, let’s give each other a time to think about it. Aaminin ko may nararamdaman ako para sayo pero hindi pa ako sure. Hindi ko sigiurado kung ano ba talaga iyon.”
Nakakita ako ng ngiti sa kanyang mga mata. Nagkaroon ng bagong pag-asa, mga ngiting ngayon ko lang namasdan.
“Tama ba yung narinig ko Mark?”
“Chino…”
“Wala nang bawian. Sige aalis na ako pero walang bawian.”
“Ok ok. Tara na sa baba.”
“Ok.” Ngiti pa rin
Inihatid ko siya sa labas ng aming bahay. Siyempre nagpaalam muna kay mama bago siya umalis. Pagkaalis ni Chino ay naka-receive ako ng isang text message
Wala nang bawian ha! Wala!
Sender:
Chino
Hindi na ako nag-reply sa kanya. Sa halip ay dumiretso ako sa kwarto, nagtalukbong ng kumot at pumikit. Isip. Isip.Isip.
Ano ba Mark? Diba may gusto ka naman dun sa tao? Bakit hindi mo pa pinatulan? Tanga ka ba ha?
Hindi ako sure. Hindi ako handa. Hindi pa ito ang tamang panahon. Yup, may pagtingin nga ako sa kanya pero hindi pa nga ako sure kung love yun. And besides, kahit pa bisexual si Chino (na ikinatuwa ko naman daw), hindi ko pa sure kung totoo ngang love ang nararamdaman niya. Nahuhulog lang naman daw siya sa akin ah? Atska, anung malay ko kung naguguluhan lang ang utak niya. Mahirap na, baka masakatan akong muli. Ayoko nang umibig muli ng walang kasiguraduhan. This is the right time na magpaka-seryoso ka Mark at pagisipan ang bawat hakbang na gagawin mo. Sa huli, baka ikaw ang magsisi. Baka hindi mo na kayanin na masaktan pang muli. Mahirap na. Mahirap.
Unti unti akong nawala sa aking diwa. Ilang saglit pa ay naghihilik na.
Sweet Dreams Mark. Sweat Dreams! Baka yan na ang huli mong panaginip.
No comments:
Post a Comment