From Yesterday 1: Confessions
Just when I thought that I’ve said all that I can say…
“ Hon I love you!!”
“Fuck! Tarantado ka ba ha? Sasabihin mong mahal mo ako tapos ganyan ang mga pinaggagawa mo! FUCK YOU! Hindi ako laruan na pupulutin mo lang kung kailan mo gusto. Hayop ka! Sa kabila ng mga pinagsamahan natin, nakukuha mo pa ring makipag-putahan sa ahas na iyan!!” mangiyakngiyak kong sabi
“Wait hon…..”
“Wait hon let me explain pakinggan mo muna ako please! Lumang linya na yan! Let me explain??! Hindi na yun kailangan, sapat na lahat ng nakita ko. Diyan ka masaya? Sige malaya ka na! At huwag na huwag mo akong matatawag na hon! Hon Honin mo mukha mo!” galit kong sabi sabay takbo palabas ng flat ni Chino.
Mabilis niya akong nahabol sabay hablot ng kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito at hirap akong tanggalin.
“Bullshit! Bitawan mo nga ang kamay ko! Hayop ka!”
“Saglit lang Mark.. Pls listen to me! PLEASE HON!”
“Ayoko na Chino. Ayoko na! Kapag hindi mo binitawan ang ka….”
Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na napigilan ang mga sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa labi. Sabik na sabik. Para bang unang beses pa lang niya yun ginawa sa akin. Sobrang init. Noong una ay pilit akong kumakawala sa pagkakahalik niya sa akin. Naging mapusok ang kanyang mga labi. Ayaw niya akong pakawalan. Naging mahigpit ang pagkapit niya sa aking mga kamay. Sa huli ay hindi ko na nagawang pigilan. Alam niya ang kahinaan ko. Ang mga halik na nagpapakalma sa akin. Ang mga halik na nakasanayan ko sa mahigit isang taon. Ang mga halik na nagpapasaya sa akin. Hindi ko mapigil ang nararamdaman. Tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang kumawala. Mga luhang hindi ko hinahayaang maka-alpas sa akin. Mga luhang matagal nang nakakulong sa mga matang nagbubulagbulagan. Heart stopping moment ang sandaling iyon. Hindi ako makahinga. Lumabas na ang lahat ng sama ng loob ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Patuloy pa rin ang nagbabagang halikan namin. Matapos ang halos 5 minuto ay nakawala din ako.
Hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Napaupo na lang ako sa sahig sabay pakawala ng iyak na parang sa bata. Nagmamaktol at inagawan ng laruan ng kung sinuman. Muli akong niyakap ni Chino. Lumabas na lahat emosyong kinikimkim ko kanina pa. Sobrang pagod at walang pahinga sasabayan pa ng isang nakakasukang eksena. Sabagay sanay na ako na nakikita yun. Maya maya bumigay na ang katawan ko at nawalan ng malay.. Yun lang huli kong natandaan.
________________________________________________________________________________
Ako? Oo nga pala, Mark ang pangalan ko. Nagaaral ako sa isang sikat na university dito sa bansa. Sa edad kong 18, masasabi kong matured na akong magisip at kumilos. Kung paguusapan naman ang aking physical na anyo, matangkad ako (nasa genes na siguro namin yun kasi sa height kong 5’11” normal lang siyang tignan kapag kasama ko ang mga pinsan kong 6 footer), maputi, di gaanong matangos ang ilong, may kissable lips (hehehe. Baby face pa daw ako pero hindi naman halata dahil sa tangkad ko. Hindi ako payat pero hindi rin malaki ang katawan, katamtaman lang. Hindi ko masasabing gwapo ako pero may maipagmamalaki naman ( one bar higher from being cute… hahahaha).
Bisexual ako… yun ang pagkakaalam ko. Nung high school ako, nanligaw ako sa isang babae pero na busted din. Hanggang ngaun magkaibigan pa rin kami… best friends pa nga eh. Magkapareho kami ng kursong kinukuha sa iisang unibersidad. Siya si Anne. Laging nandyan. Laging maasahan. Hindi ako binibigo. Matapos akong ma-busted ng best friend ko, ayun sa lalake na ako tumitingin. Ewan ko ba… mas kinikilig pa ata ako sa mga kaibigan kong babae kapag nakakakita ng gwapo. Hindi ko naman yun pinapahalata, hanggang sa isip lang. Lalake akong kumilos at sa pananamit naman, maporma ako kesa sa normal na lalake pero lalakeng lalake pa rin ang dating. OO bisexual nga ako pero ako isa akong malaking PEPPER.. ang mga ex ko lang ang nakakaalam sa aking pagkatao. Mga Ex? OO mga ex na walang kwenta. Sa edad kong 18 ay naka-experience na rin akong makipag-relasyon sa kapwa lalaki at lahat sila’y matanda sa akin. Lima na ang nagsabing “I love you” but they never meant it. Matagal na ang 2 months para sa isang relasyon. 15 pa lang ako nung unang magkaroon ng boyfriend. Lahat sila’y nakikilala ko lamang sa internet or chat. Curious kasi ako nun kung paano ba makipag-relasyon sa lalake kaya gumawa ako ng paraan para maranasan ko. Hindi ako marunong mag-handle ng relasyon nung mga panahong iyon. Pero sa mga napagdaanan ko sa mga nakalipas na relasyon, maaga akong natuto at nagmatured. Natuto ako dahil nasakatan ako. Mahirap masaktan. Kaya nga gumagawa ka ng paraan para hindi mo na ulit maramdaman iyon. Natakot na akong umibig ulit matapos makipag-kalas sa akin ang huli kong ex. Naging mas maingat na ako simula noon. Pinili ko munang maging single at bigyang oras ang pag-aaral.
Makalipas ang halos isang taon, nakilala ko si Chino. Matanda siya sa akin ng 4 na taon. Maputi, matangkad, matangos ang ilong at chinito. Maykaya sila sa buhay. Ano pa bang hahanapin mo sa kanya, gwapo na mayaman pa kaya naman naging lapitin siya ng mga babae, bakla at ng mga ChickBoy. Hindi ko akalaing liligawan niya ako at nagtagumpay rin naman siya sa pakay niya sa akin. Tatanggi pa ba ako sa kanya? Mukhang sincere naman siya sa akin noong mga panahong nililigawan niya ako. Naramdaman ko na totoo ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa akin.
SINCERE? TUNAY na PAGMAMAHAL? Tama ba narinig ko? Eh bakit nagdurugo ang puso ko ngayon dahil sa kanya? Bakit ako ganito ka-miserable ngayon? Bakit ako nagpapaka-tanga? Bakit? Siguro sobra ko siyang minamahal na kahit anu pa mang mali ang gawin niya ay napapatawad ko rin siya. Ang TANGA ko.
Maraming tao ang nagpapaka-tanga sa pag-ibig at isa na ako doon. Masyado kong minahal ang isang tao na kung mawala siya ay hindi ko na kakayaning mabuhay pa. Siya na ang nagsilbing oxygen ng buhay ko. Kahit anung gawing mali at kahit gaano pa niya pa ako saktan, kaagad ko siyang napapatawad. Hindi ko pa ma-imagine na wala siya sa buhay ko.
Oo tanga ako pero hindi naman ako desperado. Mahirap lang talagang mawalan ka ng isang bagay na minahal mo ng lubos. Hayyyyyyyys.. buhay nga naman napakahirap sabayan.
_________________________________________________________________________________
Minulat ko ang aking mga mata. Pilit inaninag kung nasaan ako. Nawalan nanaman yata ako ng malay. Lagi naman. Tinignan ko ang taong nakayakap sa akin. Natutulog ito. Mala-anghel talaga ang mukha. Pero alam kong nagbabalat-kayo lamang ang mukha nito. Kilalang kilala ko na ang taong ito, sa lahat ba naman ng ka-demonyohan niya sa akin ay hindi ko pa ba masasabing nagkukunwari lamang ang mukha niya? Sabagay pareho naman kaming demonyo, magkaiba lang ng uri.
Naaalala ko nanaman ang kahayupang nasaksihan ko kagabi. Hindi ko napigilang lumuha. Mga luhang matagal ko nang pinipigalang lumabas. Ang sakit sa damdamin. Kahit ilang ulit ko na itong naranasan sa kanya, parang pasakit ng pasakit habang tumatagal. Hindi na ako nasanay. Ako ang tipo ng tao na hindi mo mapapaiyak kaagad pero sa pagkakataong ito lumuha na lang ang alam kong gawin. Hindi ko alam kung alam niya ang nadarama ko pero kung titignan ang mga ginagawa niya, napaka-manhid niya. Siguro sagana lang siya sa salita. Alam kong may mali ako pero mali bang magpaka-tanga sa pag-ibig? Hindi naman ako likas na tanga pero ngayon lang ako nagpaka-bobo para lang sa isang tao. Mahirap magbulagbulagan lalo na’t nasa harap mo na ang katotohanan.
Bulletproof ba ako? Iyan na lang lagi ang naitatanong ko sa aking sarili. Sa lahat ng balang tinanggap ko sa nakalipas na taon ay hindi pa rin ako natumtumba at patuloy pa rin sa pagtanggap ng bala. Anu bang mali sa akin?
Minsan naiisip ko na kitlin na lang ang sarili. Mas maganda na rin siguro iyon para tumigil na ang pagdating ng mga bala sa buhay ko. Ayoko na. Pero hindi ko pa rin magawa iyon. Lagi kong naalala ang pamilya at kaibigang laging naka-suporta sa akin. Hindi ko magawang iwan sila kaagad. Hehehe. Tsaka sayang din naman lahat ng pinaghirapan ko. Kaya kapag nahimasmasan na ako ay sassabihin ko sa sarili na “Wag na nga. Saying naman ang katawan ko. Pakikinabangan lang ng mga uod sa underground. Yuck!”
Tsaka kahit na masakit, at least nandyan pa rin si Chino sa tabi ko. Minsan kahit masakit na sumama sa taong ito, hindi ko mapigilan ang sarili. Paano ko ba siya makakalimutan? Sa higit isang taon naming pagsasama ay hindi lang naman puro sakit ang naranasan ko. Nandyan naman siyempre ang happy, kilig, libog, sweet, at lambingan moments namin.. anu pa ba? Sa palagay ko ay minamahal pa rin naman ako ng taong ito. Madalas nga lang, hindi niya alam na nasasaktan ako sa mga pinaggagawa niya. Tsk.
Naiiyak na naman ako.
Naalala ko nanaman kung gaano kami kasaya noong bago pa lang ang aming relasyon. Iisipin mong magtatagal iyon at maaring tumagal pa habang buhay. Pero doon ako nagkamali…
No comments:
Post a Comment