Search This Blog

Tuesday, October 19, 2010

From Yesterday 4: Today Was a Fairytale

From Yesterday 4: Today Was a Fairytale

“Can you feel this magic in the air? It must have been the way you kiss me. I fell in love when I saw you standing there. It must have been the way… Today was a fairytale.”

Saturday, November 15, 2008

Three days na rin mula noong huli kaming magkita ni Chino. Kahit isang araw ko pa lang siyang nakasama para bang napakatagal na naming magkakilala. Ang mga ngiti niyang nakakakilig, mga pang-aasar niya sa akin, mga corny niyang jokes, ang paglalambing niya, ang pagsuporta niya sa akin, ang maputi at makinis na kutis, ang mga maliliit na mata na pumupukaw sa kalooban ko, ang sexy at hot kong kaibigan.. namimiss ko na. Nagtetext kami sa isa’t isa pero hindi gaano kadalas. Siyempre busy rin ako sa acads ko, Wednesday lang ang araw na iisa ang klase ko at pagkatapos noon ay subsob na akong muli sa mga handouts at power point presentation na kailangan kong aralin. Siya naman, tinatapos niya ang thesis niya bagamat wala na siyang klase, marami raming trabaho rin iyon. Bawat text niya sa akin ay napapangiti ako. Nangangamusta, nagkekwento tungkol sa araw niya, nag-gugood morning at good evening, random messages at kahit ano pa yan, nakakakilig at the same time nakakamiss ang taong ito.

Sabado ngayon, ayoko ko pang umuwi sa amin. Hindi naman sa ayaw kong makasama ang pamilya ko pero gusto ko munang magrelax at magpaka-tamad. Tiyak kapag umuwi ako sa amin, uutusan na naman ako ni mama. Hindi nga ako pinapagawa ng gawaing bahay pero uutusan akong mag-compute ng ganito, mag-tabulate ng ganito, magbilang ng ganito at kung ano ano pa. Pagod pa ang utak ko kaka-aral ng slides at ppt tapos papaganahin na naman. Worn out pa ang brain cells ko at kailangan muna nitong mag-regenerate kaya day-off ko muna ngayon. Maaga akong gumising, nagluto ng almusal, naligo, inayos ang gamit sa apartment, at naghanda ng marami raming pagkain. Plano ko kasing mag-movie marathon ngayong araw at wala nang tayuan ito kaya kailangan marami akong katabing pagkain, pag-ccr lang ang pahinga. Naka-set up na ang laptop ko at nakasalpak na ang speakers, kaya let’s get it on! Mahilig ako sa mga chick flicks, rom-com, suspense, sci-fi, love story at drama. Marami rami rin akong nakopyang bagong movies sa mga friends ko at natatambakan na ako kaya kailangan ko nang isa isahin ang mga ito.

Pinili ko munang panoorin ang “Made of Honor” ni Patrick Dempsey at Michelle Monaghan. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa sa part na binigyan ng sex toy ang lola ni Claire (Michelle Monaghan) ng may kumatok sa pinto ng unit ko. Hindi pa rin ako maka-get over sa kakatawa nang tumayo ako. Tawa pa rin hanggang sa marating ko ang pinto ng unit. Pagbukas ko ay hindi ko inaasahan na…

“Mukhang masaya ka ah, tawa ka ng tawa.” Si Chino

Totoo ba itong nakikita ko? Si Chino nakatayo sa labas ng pintuan ko? Ang gwapo talaga. Naka-porma ito na lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan. Ang bango niya. Nakaka-adik ang amoy. Samantalang ako ay naka-sando at boxer shorts lang, parang matutulog na kahit naguumpisa pa lang ang araw. Nahihiya ako noong mga panahong iyon. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Na-tameme ako. Siyempre hindi ko naman inaasahan na pupuntahan niya ako. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Walang expression ang mukha.

“O, bakit parang nakakita ka yata ng multo? Hindi mo ba ako papapasukin diyan sa unit mo?” nakangisi niyang sabi sa akin.

Mistulang binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Oo nga naman, bakit para kang tanga diyan Mark? Papasukin mo na!

“Pa-pasok.” Nauutal kong sabi

Deretso kami sa kama ko. Naupo kami doon siyempre.

“Kamusta ka na?”

“O-ok naman. Teka nga, ano nga pa lang ginagawa mo dito?”

“Wala naman. Balik ko sana yung library card mo, baka kailanganin mo kasi.”

“Ah, yun ba? Hindi ko naman ginagamit yon.”

“May bisita ka ba?”

“Obvious ba? Ikaw!”

“I mean, may iba ka pa bang bisita? Ang rami mo yatang pagkain na nakahanda?”

Napansin yata ang chips, rice, canned foods fresh from the microwave, biscuits, pancit canton, chocolates, 1 liter ng juice at isang pitsel ng tubig.

“Ah, wala naman. Plano ko kasing mag movie marathon kaya naghanda na ako ng pagkain para dampot na lang ng dampot.”

“Anu pinapanood mo? M2M?.” si Chino sabay pakawala ng malakas na tawa

Napatawa naman ako sa sinabi niya. Aba gago ito ah! Ano tingin niya sa akin malibog na bata na buong araw nanonood ng porno! Hindi noh, before lang matulog.

“Gago! Hindi naman ako ganoon kalibog!”

“Ikaw binibiro ka lang, defensive ka na kaagad. Siguro totoo yung sinasabi ko no? Umamin ka na kasi!”

“Hindi nga, mabait lang ako pero hindi malibog. Atsaka, hindi mo ba napapansin? Wala na yung mga VCD at DVD ko ng M2M.”

“Oo nga no. Nahiya ka naman kaya itinapon mo na?” sabay tawa

“ Hindi no. Itinago ko sa ilalim ng kama. Sayang kaya kapag itinapon.” Nakatawa na rin ako sa kanya

Hayss, kakakita pa lang naming sa isa’t isa, ang saya ko na kaagad. Kahit na non-sense ang pinaguusapan namin ay tawa pa rin ako ng tawa. Napapasaya niya ako. Good thing nagpunta siya dito. At least nabawasan ang pagka-bored ko.

“May gagawin ka pa ba bukod sa M2M marathon mo ha?”

“Wala naman. Bakit?”

“Good. Sama ka sa akin!”

“Saan tayo pupunta?”

“Basta. Maligo ka na muna. Magbihis ka na rin ng panlakad, muka kang makikipag-sex sa itsura mo!” sabay ngisi.

“Gago! Uso ‘to! Hehehe. Sige sama na nga ako, wala rin naman akong gagawin dito.”

“Good boy! Este girl pala!” sabay tawa

“Hayop! Bisexual lang ako hindi babae! Tado ‘to ah!”

“Ikaw naman binibiro lang eh. Sige maligo ka na para maka-alis na rin tayo pagkatapos mo.”

“Eto na po boss, maliligo na. Bahala ka muna diyan ha! Wag mong hahalungkatin yung DVD ko sa ilalim ng kama kundi lagot ka sa akin!”

“Pahingi ako ng isa ha! Hehehe. Joke lang. Dami mo pang daldal, maligo ka na nga diyan.”

“ Opo bossing, kuha ka ng pagkain diyan ha kung nagugutom ka.”

“I’m fine. Bahala na ako dito. Maligo ka na!”

“Ok ok.”

Saglit lang akong naligo. Siyempre naka-ligo na ako kani-kanina lang before dumating si Chino. Kailangan ko lang magmukhang fresh para naman hindi nakakahiya. This time, dala ko na ang towel at damit ko sa loob ng banyo para naman hindi na ako nasisilipan ni Chino. Hehe. Nagsuot lang ako ng blue polo shirt, walk shorts at sneakers. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta kaya yun na lang sinuot ko, at least comfortable ako.

“Tapos na ako.” katatapos ko lang isuot ang sneakers ko

“Tara na?”

“Wait lang, sayang yung food na nai-prepare ko. Pwedeng kainin muna natin ‘to?”

“Lagay mo na lang sa microwavable tapos ibaon natin?”

“Ok, ok. Sige.” Sabay smile sa kanya.

Inimis ko lang ang pinagkilusan ko kanina bago kami lumarga. Nag-shades siya kaya naman nag-shades din ako para pareho kami. Hehehe.

“Gaya-gaya ka!” Pang-aasar niya sa akin

“Bakit bawal ba? Ikaw lang pwedeng mag-shades?”

“Hindi naman. Hehehe. Ang cute mo talaga, lalo na ngayon.”

Ito nanaman ‘to. Pinakikilig na naman ako. Hinay hinay lang Chino, baka bago matapos ang araw na ‘to ay tunaw na ako sa mga hirit mo.

“Alam ko. Ngayon mo lang napansin?”

“Ang kapal mo naman.”

“Hehehe. Pero alam mo, mas cute ka sa akin. Hindi ka nga lang cute eh, gwapo ka ”

Ano daw? Ano ba pinagsasabi mo Mark ha? Baka mamaya isipin niyan nagnanasa ka sa kanya. Oo nga may pagtingin ka diyan, pero wala kang pag-asa diyan no. Tapos hihiritan mo pa ng ganun? Ano ka gago? Isip isip.

“Alam ko yun no. Hehe. Siguro may crush ka sa akin no?”

“Pwede na sana kaso ang hangin mo!” bawi ko sa kanya. Thank god hindi siya nag-react ng kakaiba.

“Bilisan mo na nga at sumakay ka na sa kotse. Tabihan mo ako ha!”

“Sure!” Kaw pa, gwapo mo eh!

Tumabi nga ako sa kanya. Kulitan. Kwentuhan. Lambingan. Asaran. Nag-uumpisa pa lang ang araw na magkasama kami, ang saya ko na. Bakit kaya? In love na ba ako sa kanya? Oo crush ko siya pero hindi naman ako naniniwala sa love at first sight. Siguro infatuation lang ito. Hindi pa ‘to love. Hindi ko pa siya gaano kakilala kaya impossibleng love na ‘to. Pero diba kung napapasaya ka ng isang tao, maaring mahal mo siya? Ah siguro, mahal ko siya bilang kaibigan.

“Nagugutom na ako, ikaw ba?” pagputol ni Chino sa aking pag-iisip

“Yan kasi, sinabing kumain muna tayo bago umalis.”

“Eh hahapunin kasi tayo sa daan kung kakain pa tayo. Diba may dala ka namang spoon at fork?”

“Oo, eh panu ka naman makakakain eh nagdradrive ka?”

“Siyempre, susubuan mo ako.” Sabay ngisi sa akin.

May kung anon a kumuryente sa aking pagkatao. Ano daw? Susubuan ko siya? Ano kami mag-asawa?

“Ah teka lang, nagbibiro ka ba ha??”

“Hindi seryoso ako. Bakit may masama ba? Susubuan mo lang naman ako ng pagkain ah? May masama ba dun?”

Oo nga naman. May point siya dun. Bakit ka ba nag-iisip ng kung ano-ano Mark ha? Ayaw mo nun, magmumukha na kayong mag-asawa? Shut up Mark! Huwag ka ngang magisip ng kung ano ano. Subuan mo na lang para matapos na!

“Pwede mo ba akong subuan? Please… gutom na kasi ako eh. Matitiis mo ba ako?” sabay kindat sa akin. Pano ko naman kaya masusubuan ito? Pa-cute ng pa-cute

“Sige na nga, alin ba gusto mo? Iyong tuna, spam or pancit canton?”

“Spam na lang pati rice para di masyadong makalat at para di masyadong bad breathe.”

“Ok. Wait lang.”

Kinuha ko sa likod na upuan ang request niyang pagkain. Binuksan ko kaagaad ang microwavable na tupperware at kumuha ng tatlong slice ng spam at pinatong ito sa kanin na nasa kabila namang lalagyan.

“Ito na oh, say ahhhhhhhh.” Sabay subo sa kanya ng maliit na piraso ng spam at kanin.

“Wow, ang sweet naman. Swerte ko sa kaibigan ko ah, kahit kakakilala pa lang natin, nandito ka sa tabi ko sinusubuan ako ng pagkain.” Seryoso niyang sabi.

Tama ba narinig ko? Huwag ko na nga lang pansinin at baka kung ano pang isipin nito.

“Hehe. Para san pa ang kaibigan? Hindi ko naman kayang makita kang namimilipit sa gutom habang nagdra-drive. Baka mamaya mabangga pa tayo. Deads tayo pareho diyan.” Sabay subo ng pagkain. Gutom na rin kasi ako.

“Hey, gumamit ka nga ng ibang kutsara sa pagkain mo.” Sabay ngiti sa akin

“Arte mo naman. Hayaan mo wala akong rabis at lalong hindi nakakahawa ang pagiging bisexual.” Sabay kindat

Nagpatuloy kami sa pagkain. Siyempre sinusubuan ko siya kapag walang masyadong sasakyan. Baka mamaya mapasama pa kami. After naming kumain, kwentuhan ulit, asaran, kulitan, same old story but nag-eenjoy naman ako. Kahit pa paulit ulit na ang ginagawa namin ay mukhang hindi ako magsasawa sa tratuhan namin. Matagal tagal na rin kasi mula noong magkaroon ako ng kakulitan.

After 1 hour ng biyahe,

“Wait lang, san ba talaga tayo pupunta ha? Lampas na tayo sa bahay namin. Saan ba ha?”

“Wait ka lang din ha. Basta.”

“Baka mamaya kidnapper ka ha. Mahal ang bentahan ng laman ngayon, huwag na huwag mo akong ibebenta sa murang halaga!” seryoso ko yung sinabi

“Kung ganun din naman ang mangyayari, edi ako na lang bibili sayo, mag-eenjoy ka pa sa akin.” Sabay kindat.

“Gago! Pero kung ikaw na rin lang naman, libre na lang para sa iyo. Hehehe.”

Ngumiti siya. Ayiieee. Kinikilig ka lang sa akin Chino eh. Hehehe. Ilang saglit pa ay nagsalita ako ulit.

“Parang alam ko na kung saan tayo pupunta ah. Papunta itong Sta. Rosa? Diba doon ka nakatira?”

“Yup, pero hindi tayo dun pupunta.”

Maya maya lang ay nahulaan ko na kung saan kami papunta. Pamilyar sa akin ang daan na ito. Ilang beses na rin akong nakapunta dito. Siguro ngayong taon ay pang-apat ko na ito. Saturday ngayon kaya tiyak maraming tao. Sana lang huwag siksikan.

“Dito na tayo.”

“I know right.”

“Ito naman, sungit!”

“Ito naman, di na mabiro.”

Bumili kami ng ticket, ride all you can. Siyempre hindi masusulit ang pagpunta mo sa Enchanted Kingdom kung hindi ka magra-ride all you can. Sayang lang.

“First time mo dito?” tanong sa akin ni Chino

“Ano tingin mo sa akin, hindi gala? Pang-apat ko na nga ito ngayong year.”

“Hahaha. Akala ko hindi ka pa nakakapunta dito. Hehehe.”

“7 years old pa lang yata ako nung makapunta ako dito no, di ako kawawang bata. Bakit ikaw first time mo?”

“Oo. Hehe.”

“Hahahaha. Kawawa ka naman! Daig ka pa ng mga pinsan kong maliliit! Nyahahahaha.”

“Ito naman oh. Wala kasi akong kasamang magpunta dito.”

“E diba tiga-Sta. Rosa lang kayo?”

“Ako. Nagrerent lang ako ng flat diyan sa Sta. Rosa. Actually tiga- Makati kami. Doon nag-stay sina mama.”

Ngayon niya lang nabanggit sa akin yon. Ang alam ko lang ay only child siya, nabanggit niya sa akin iyon last time.

“Eh, friends mo, bakit hindi kayo nagpupunta dito?”

“Iba naman kasi trip ng mga yun.”

“Kaya ako ang isinama mo?”

“Bakit ayaw mo ba? Tara na lang?” pangongonsensya niya sa akin.

“Arte mo naman. Tara na sa loob. Kawawa ka naman kung hindi ka pa rin makakapasok dito.”

“Sige, tara na.”

Una naming sinakyan ay yung Anchors Away. Yun kasi ang unang ride na bubulaga sa iyo pagpasok mo ng EK. Kaunti lang ang nakapila dito kaya nakasakay kami kaagad ni Chino. Sa magkabilang dulo kami sumakay. Si Chino ay nasa left side samantalang ako ay nasa right side. Pareho kaming walang katabi. Siyempre mas may thrill kapag ganoon, wala kang kasama. Masarap din kasi kapag sa likod ka sumakay, sobrang heart stopping kapag pababa na ang mala-life size na bangka. Umpisa pa lang ay sigaw na ng sigaw si Chino. Parang bata lang. Siyempre ako sumisigaw din pero hindi palagi. Kada pa-akyat ang side na inuupuan ko, kung ano anong ginagawa ko sa mukha ko. Iba’t ibang expression: malungkot, nakatawa, nakadila, mukang tanga, kunwari tulog, etc.. Nakisakay na rin si Chino sa trip ko kaya ayun, pareho kaming mukhang tanga. Pagkababa ay mahilo hilo kaming naglakad patungo sa isang bench.

“Nag-enjoy ka?” tanong ko sa kanya.

“Oo naman, sobrang saya kaya. Alam mo yun, kapag pababa na yung side mo, parang natigil ang puso mo. Tapos nakakahilo din pala. Akala ko pa naman walang epekto sa akin pero ayan, hilo na ako. Hehehe. Tapos nagmemake-face pa tayong dalawa, parang tanga lang tayo.” Sabay tawa.

“Mukhang nag-enjoy ka nga, ang haba ng sagot mo eh. Huwag kang mag-alala, marami pa tayong sasakyang rides.”

Next stop, flying fiesta. Siyempre first time ulit iyon ni Chino kaya naman sobrang saya nanaman niya. After nun, nag-carousel muna kami, hilo pa kami eh. Kagaya pa rin ng dati, nagmake-face kaming dalawa kapag nakikita namin ang isa’t isa. After ng carousel, bump car naman. Parang kami lang dalawa ang tao. Siyempre kaming dalawa lang ang nagbubungguan at naghahabulan sa loob ng ring. Hehe. After that, kumain muna kami ng ice cream. Technically hindi naman ice cream yun, twin popsies kasi.

“Chocolate sa akin sayo yung orange?” tanong sa akin ni Chino.

“Ikaw, bahala ka na.”

“Alam ko na, hatiin natin para pareho tayong meron ng parehong flavor.”

“Whatever!” sabay ngit at pitik sa ilong niya.

Ang cute niya kasi, sa kabila ng kakisigan at kagwapuhan niya ay nagmimistulang mas bata pa ang akto niya sa akin. Hehe. Mukhang nag-eenjoy naman siya sa mga pinaggagawa namin kaya enjoy na rin ako.

Next stop namin, the famous Rio Grande. Ang haba ng pila. Siyempre tiyagaan bago mo ka makasakay. Kulitan ulit siyempre, alangan naman magpaka-bored kami habang nakapila. Sinulit ko na lang ang oras na kasama siya. After yata ng halos 30 minutes na pagpila ay sa wakas nakasakay na rin. Maramihan ang sakay ng mala-salbabida na ride kaya no choice ka kung hindi sumama sa ibang tao. Pero si Chino nakuha pang kulitin si kuya na nagfafacilitate ng ride na iyon

“Kuya, pwedeng dalawa lang kami?”

“Ay sir hindi po pwede, mahaba po kasi ang pila kaya kailangan niyong pong magsama ng iba diyan.”

“Sige na kuya please… magbabayad ako ng extra.”

“Ay sir hindi po kami napayag sa ganun.”

“Sige na kuya, kahit magdagdag ako ng 100 para kaming dalawa lang?”

“Sir hindi po tala..”

“Sige na kuya. Please.”

“Sige na nga ho!”

“Salamat kuya!”

Nakulitan na yata kay Chino si kuya na nagooperate kaya pumayag na din. Hehe. Na-appreciate ko naman ang effort niya na kaming dalawa lang dun. Ang awkward nga naman kung may kasama kaming iba, hindi kami makakapagkulitan. Start na ng ride. May parang valve na nakakabit sa tapat ng seat. Yun ang parang nagcocontrol sa pagikot ng nung mala-salbabida naming sinasakyan. Siyempre sa magkabilang dulo kami ulit sumakay. Noong una ay hindi alam ni Chino iyon kaya naman sa tuwing dadaan sa mini waterfalls ang sinasakyan namin ay pinipihit ko iyon para umikot at si Chino ang mabasa. Siyempre ayokong mabasa no. Hehe.

“Ang daya mo! Hindi mo man lang sinabi sa akin na pwede palang paikutin yun!”

“Siyempre, edi kung sinabi ko sa iyo, ako ang itatapat mo sa falls. Mas malakas ka sa akin no kaya tiyak makokontrol mo yun.”

“Yan tuloy basang basa ako.”

“Tara muna sa car? May baon akong shirt at shorts. Dinagdagan ko para sa iyo.”

“Talaga?”

“Oo. Lagi naman akong may baon na shirt at shorts. Boy Scout yata ‘to!”

“Baka Girl Scout!” sabay tawa

Kumunot ang mukha ko sa sinabi niya.

“Tignan mo ito, binibiro lang.”

“Baka hindi kita pahiramin ng damit diyan eh. Ayoko kasing niloloko ako ng ganun tapos ikaw…”

“Sorry na nga. Peace na tayo?”

“Ewan ko sayo.” Sabay lakad papuntang parking lot.

Sumunod naman siya sa akin. Hindi naman ako nagtatampo talaga, nag-iinarte lang. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon ang inaakto ko. Hindi naman talaga kasi ako ganoon, siguro nagpapansin lang ako sa kanya. Eh bakit ka naman magpapansin eh pinapansin ka naman niya? Tigil tigilan mo nga yang pagiinarte mo Mark!

Pagdating sa parking lot ay binuksan niya ang naka-lock na kotse. Pumasok ako sa loob nun para kunin lamang ang bag ko pero kaagad namang tumabi sa akin si Chino. Kinuha ko ang baon kong shorts at shirt at inabot ito sa kanya ng nakangiti.

“Oh akala ko galit ka na sa akin?” nagsalita siya na nagtatampo.

“Eh matitiis ba kita ha? Ang cute mo kasi.” Sabay pitik sa ilong niya.

Kaagad niyang hinubad ang shirt niya. Hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil na-trap ako sa pagitan ni Chino at ng mga bag at baon kong pagkain.

“Hindi mo ba ako palalabasin muna bago ka magbihis ha?”

“Hindi, bakit masama ba? Hindi mo naman siguro ako pagnanasaan? Diba?”

“O-ok”

Shit. Tumambad nanaman sa mga mata ko ang sexy niyang katawan. Ang ganda talaga noon. Ang sarap haplusin. Pero siyempre behave ako, ayokong sirain ang pagkakaibigan namin ni Chino. Sinuot naman niya ang shirt ko na fit na fit sa kanya. Sexy talaga! Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinubad niya ang kanyang pantalon sa harap ko. Napako ang tingin ko sa kanya, sa ibaba niya. Hindi ako interesado sa laman noon, mas interesado ako sa suot niyang underwear. Fetish ko kasi ang underwear. Mas nalilibugan pa ako kapag nakasuot iyon kesa sa natanggal na.

Naka-bikini briefs si Chino, type na type ko yung ganun. Black iyon na bench/body. Shit ganda ng korte. Naglalaway ako. Pero behave ka Mark! Behave! Behave! Mabuti na lang at isinuot na kaagad ni Chino ang binigay kong short kundi ay baka kung ano pang kagaguhan ang gawin ko sa kanya. Tulala pa rin ako. Hindi pa maka-get over sa ginawa niya.

“Hoy Mark! Sabi ko sa iyo ay wag mo akong pagnasaan, pero mukang nag-enjoy ka sa nakita mo ah!”

“Gago!” kailangan kong bumawi

“Hindi nga ako nag-enjoy eh. Walang kalaman laman yung underwear mo! Tapos wala kang abs! Paano ako mag-eenjoy?”

“Ganun? Eh bakit halos tumulo na yung laway mo diyan sa inuupuan mo ha?”

“Hindi kaya.”

“Osus. Kunwari ka pa. Magsabi ka lang pagbibigyan naman kita eh.” Sabay kindat sa akin

“Tado! Hindi ako napatol sa kaibigan!”

“Ok sige. Sabi mo eh. Pero kung gusto mo ha, call me .” sabay tawa ng malakas.

Napatawa na rin lang ako. Sana totoo yun. Nyahahaha.

Bumaba na kami ng kotse para bumalik ulit sa loob ng theme park. Siyempre pila ulit kami. Iniwasan na naming yung mga rides na mababasa kami kasi wala na akong dalang extrang damit. Sayang at hindi na kami makakasakay ng jungle log jam. Ang saya pa naman dun. Hehe. Naka-ilang sakay pa kami bago kami muling magutom.

“San mo gustong kumain? Wait hulaan ko..” pagyaya ko kay Chino.

“Sige nga.”

“Ahhhm… sa Domino’s?”

“You guessed it right!”

“Hehe.”

Pareho kasi kami ng hilig… PIZZA! Nalaman namin iyon noong nakaraang kwentuhan namin.

Pinaupo na niya ako sa isang table samantalang siya na ang umorder para sa amin. Ng tawagin na ang order namin ay nabigla ako sa dala niya. Family size! Kaya ba naming ubusin yun?

“Hoy Chino! Ang laki ng binili mo! Mauubos ba natin yan ha?”

“OO, kaya natin yan.”

“Mukha nga…. Kasi kumakalam na rin pala ang sikmura ko.”

“Ako din eh.”

Sa maniwala kayo’t sa hindi, naubos nga namin, kulang pa. Hehe. Nagpahinga muna kami pagkatapos naming kumain. Matapos ang ilang minuto ay naglakad lakad na kami. Stroll lang sa loob. Kwentuhan ulit. Asaran. Parang kami lang dalawa ang tao sa mundo. Napakasaya ko noon. Parang kami lang ang laman ng theme park.

“Dare kita, sakay tayo diyan!” biglang sambit ni Chino

“Ah yaaaann ba? Gaaaame?” nagaaliinlangan kong sabi.

Space Shuttle. Ilang beses na akong nakapasok dito pero never ko pang na-try na sumakay doon. Takot na takot ako sa itsura pa lang. Kahit ang mga pinsan ko ay hindi ko pinagbibigyan kahit gaanong pilit nila sa akin na sumama ako sa pagsakay doon. Yun lang ang kinakatakutan kong rides sa loob ng EK. Pero iba ang sitwasyon ngayon, si Chino kasi ang nag-request. Kahit pa bagong kilala niya pa lang sa akin ay napakalakas na niya sa akin. Mantakin mong pagbibigyan ko siya na sumakay kami doon. Let’s get it on!

“Natatakot ka noh!” pangaasar sa akin ni Chino

“Hindi no, First time ko kasi ito.”

“O akala ko ba maraming beses ka na nakapunta dito? Ako rin naman first time ko ah.”

“Basta.”

Pumikit na lang ako ng magumpisa ang rides. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Ayan na, bumibilis na. Bumabaliktad na ang sikmura ko!. Nasa tuktok na yata kami. Ito na ang pinaka-ayaw kong parte! Ayan na! Ayan na!

Nabigla ako ng may humawak sa kamay ko. Mahigpit iyon. Minulat ko ang aking mga mata. Siyempre si Chino iyon. Napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin. Bigla akong sumigaw.

“SHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIT!”

Ayan na ang pinakaaabangan kong part. Ang patalikod na pagbaba ng space shuttle. Hehe. Pero nangibabaw sa akin ang fact na nakahawak sakin ang kamay ni Chino ng mga panahong iyon. Siyempre nabawasan ang takot ko. Nag-enjoy pa nga ako eh, hindi dahil sa masaya talagang sumakay sa ride na iyon, kundi sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Para akong nasa heaven. Technically malapit na kami sa heaven sa sobrang taas. :)

Pagbaba namin ay nakahawak pa rin sa akin si Chino. Tinignan ko siya na waring nagtatanong.

“Ano?”

“Ehem! Yang kamay mo, nageenjoy yata.”

“Ahhh. Oo nga no.”

“Yan, much better.” Sabi ko pagkabitaw niya sa akin.

Nginitian ko naman siya pagkatapos nun para naman hindi niya isipin na ayaw ko. Gusto ko pero marami kasing nakakakita. Hindi lang pala kami ang laman ng theme park na ito.

Patuloy pa rin kami sa pagsakay, pag-stroll, kwentuhan, pagkain, asaran, sakay ulit, stroll ulit, kain ulit. Hindi namin namalayan na gabi na pala. Sobrang gabi na pala.

“Chino, hindi pa ba tayo uuwi?”

“Maya-maya?”

“Eh paano ako?”

“Doon ka muna matulog sa flat ko?”

“Ok lang ba sayo?”

“Ok lang din ba sayo?”

“Oo, pero anong gagawin pa natin?”

“Sakay tayo ng Ferris Wheel?”

“Tara?”

“Tara!”

Minsan ay ganoon kami mag-usap. Tanungan.

Ferris Wheel. Siyempre tumabi siya sa akin. Nang nasa tuktok na…

“Ang ganda ng view no?” si Chino

“OO ang ganda. Ang sarap pa ng simoy ng hangin. Magpapasko na nga!”

“Tama ka diyan!”

Tahimik. Tumingin kami sa isa’t isa. Bigla niya akong niyakap. Nagitla ‘man ako ay hindi na ako umangal. Napakasarap ng feeling na may taong nakayakap sa iyo. Ang sarap damahin ang pagtibok ng puso niya. Ang sarap damhin ng init ng kanyang katawan. Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito palagi. Malapit na kaming makababa ng humiwalay kami sa isa’t isa mula sa pagkakayakap. Sabay naming nginitian ang isa’t isa. Parang walang nangyari ng kami ay makababa.

“Uwi na tayo?” si Chino

“Nood muna tayo ng fire works display?”

“Kaw?”

“Tara.”

Naupo kami sa isang bench, parehong nakatingala. Parehong may ngiti sa labi. Pareho kaming nag-enjoy. Kita ko iyon sa kanyang mga mata. Nagsimula na ang palabas sa kalangitan. Wala kaming imikan habang nanonood. Pawang ngiti lang ang mababakas mo sa aming mga mukha.

“Let’s go?”

“Ok”

Gaya ng napag-usapan ay kina Chino ako matutulog ngayon. Umuwi kami sa flat niya. Malaki ito para sa isang tao lang. Kumpleto sa gamit pati sa gadgets. Halatang pangmayaman. Hinangaan ko ang interiors nito. Napakaganda.

Dumeretso kami sa kwarto niya. Sa kaso ngayon ay ako naman ang pinahiram niya ng damit. Binigyan din niya ako ng toothbrush. Nagshower muna kami bago kami mahiga sa kama. Siyempre halinhinan. Nang matapos kami ay pareho kaming nahiga sa kama niya. Parehong pagod pero parehong masaya.

“Thank you. Nag-enjoy ako sobra. Napakasaya ko ngayong araw. You made my day!” paumpisa ni Chino

“There’s no need to thank me. Ako nga dapat magpasalamat kasi nag-enjoy na nga ako wala pa akong ginastos.”

“Ano ka ba? Pasasalamat lang iyon.”

“Hanggang kalian mo kaya ako pasasalamatan? Para laging libre!”

“Hanggang sa magkasama tayo.”

Tahimik

“Tulog na tayo” basag ko sa katahimikan

“Tara”

Yumakap siya sa akin. Muli, hindi na ako umangal. Imbis ay ninamnam ko na lang ang kanyang mga bisig. Napakasarap sa pakiramdam. Sana laging ganito. Sana laging masaya….

No comments:

Post a Comment