From Yesterday 3: Thank You
Second Year 1st semester
“My tea's gone cold, I'm wondering why I got out of bed at all, the morning rain clouds up my window and I can't see at all”
Isang pamilyar na kanta ang gumising sa akin. Alam ko ang kantang ito. Gising na ang diwa ko pero hindi pa rin gising ang katawan ko. Maya-maya pa ay iminulat ko na ang aking mga mata. Inaninag kung nasaan ako, isang pamilyar na lugar. Nakatulog na pala ako sa kinauupuan ko. Dito na pala ako nakapag-palipas ng gabi sa ****** café, isang 24 hours na coffee shop na malapit sa campus namin. Dito ako naglalagi lalo na kung may exam, paper, o kaya naman magpapakasawa na mag-surf sa internet. Medyo adik kasi ako sa cyber world. Mahilig akong magbasa ng blogs, search ng latest na kanta, mag-facebook at mag-friendster, at siyempre makipag-chat.
Isang taon na pala mula noong maging kami ng huli kong ex. Isa siyang instructor sa pinapasukan kong unibersidad. Kahit kalian ay hindi ko siya naging teacher sa kahit anung subject. Nakilala ko lang siya sa facebook ng minsang i-add niya ako at makipag-chat sa akin. Tumagal kami ng halos 2 buwan pero naghiwalay din dahil hindi niya kayang makipag-relasyon ng palihim. Nasaktan ako nun pero naiintindihan ko siya dahil mahirap ng mapa-chismis sa buong campus. Makakaapekto iyon sa kanyang reputasyon at sa aking pag-aaral.
Mag-iisang taon na rin akong single. Masaya naman ako sa buhay ko. Nasanay na sa daily routine. Halos para na akong robot, naka-program na ang mga gagawin. Naging ganito ako para naman makalimot ako sa aking nakalipas. Minahal ko ng sobra ang huli kong ex kaya naman mahirap mag-move on. Pero imbes na magmukmok na lang ako sa isang tabi at magmukhang kawawa, tinuon ko na lang ang sarili sa pag-aaral at nagpaka-busy. Ang tanging pahinga ko lamang ay ang pagtulog at paglabaslabas kasama si Anne at iba pa naming kabarkada. Masaya ako sa ginagawa ko. Napapasaya ko ang mga magulang ko dahil na rin sa mataas na grades na nakukuha dulot na rin ng pagsisipag sa pag-aaral. Masaya akong kasama ang mga kabarkada ko dahil napapatawa nila ako ng sobra. Masaya ako pero parang may kulang. May kulang sa buhay ko. Sa tuwing kasama ko ang mga kabarkada ko na halos lahat ay “in a relationship” ang status, feeling mo ikaw lang ang walang kasamang importante sa iyo. Bagamat importante sa akin si Anne, noong mga panahong iyon ay may boyfriend siya. Nakakainis isipin na ikaw lang ang walang ka-date. Kahit na hindi ko pwedeng ipagladlaran ang ka-relasyon ko, nakaka-miss din pala na may sarili kang lakad na kayo lang dalawa. Nakakainis.
Tumingin ako sa orasan, “SHIIIIIIT!” malapit na palang mag-umpisa ang first class ko. Kailangan ko nang magmadali at tiyak hindi ako makaka-abot sa quiz namin. Sayang naman ang inaral ko kung hindi ko yun maabutan. Dali dali akong tumayo mula sa kinauupuan at nag-ayos ng gamit. Pagka-ayos ay tumayo ako at kaagad na nagtungo sa CR/bathroom ng coffee shop. Good thing meron ganito kung hindi ay mapaghahalataan na hindi pa ako naliligo kapag pumasok sa klase. Ayokong ayoko na papasok ako ng klase ng hindi nag-aayos ng sarili. Mahirap na, baka kasi ngayon ko makilala si Mr. Right kaya kailangan gwapo pa rin akong tignan. Hehehehe. Naghilamos lang ako at nag-tooth brush. Boy scout kasi ako, mana kay mama na lagi na lang may dalang bag na puno ng things na kinakailangan mo palagi. Facial wash, tooth paste at toothbrush, T-shirt at shorts pati na rin tissue at polbo. Hehe. Nasanay na kasi akong pinababaunan ng ganun. Nagpalit ako ng t-shirt at lumabas ng CR. Nagmamadali ako kaya naman paglabas ay kaagad akong nanakbo. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin basta ang goal ko ay makalabas kaagad para naman maka-pasok na ako sa class. Sa pagmamadali, hindi ko namalayan na may mababangga na pala ako sa harap ko. It’s too late na para magpreno ako sa pagtakbo. Shit! Patay tayo diyan. Napapikit na lang ako. Hinintay na mangyari ang isang malakas na collision. Ilang segundo pa ay wala akong nararamdaman na anu mang pagbangga sa kahit na sino o kahit na ano. Unti unti kong ibinukas ang aking mga mata. Slow motion talaga ang pagbukas, parang walang hinahabol na klase. Nang luminaw na ang aking nakikita, nakailag pala si ate na mababangga ko sana. Thank god mabilis ang reflexes niya at nagawa niyang umiwas sa akin. Kung nagkataon, tiyak malalang karambola ang nangyari.
“WHEW!” Sabi ko sa utak ko. Kaagad ko namang nginitian si ate sabay sabi ng sorry habang naglalakad ng nakatingin pa rin sa kanya. Mukhang may itsura naman kaya hindi ko pa rin maiaalis sa kanya ang titig. Hindi pa ako nakakalayo ay biglang may nangyari na hindi ko inaasahan. Bumunggo sa akin ang isang lalaki. Malakas ang pagkakabunggo niya dahil na rin sa natakbo ito. Tumumba kami pareho, ako ang nasa ilalim. Medyo nahilo ako sa nangyari. Maya mmaya ay nakaramdam ako ng lamig. “OMG!” Napisa sa pagitan naming dalawa ang dala dala nitong mocha frappe. Shit! Basang basa ang damit ko ng halos tunaw ng frappe at mantsado pa ito. Nakakainis naman.
Tumayo kaagad ang hindi pa nakikilalang lalaki samantalang ako ay nanatiling nakahiga pa rin. Hilo talaga ako kaya naman hirap akong makabangon. Kaagad namang iniabot sa akin ng lalaki ang kanyang kamay. Medyo malambot ito, nakakakuryenta ang paglapat nito sa akin. Sa wakas at nakatayo din ako. Akala ko ay hindi na ako babangon pa sa pagkakahiga. Medyo hilo pa ako pero mistulang nawala ito ng makita ang mukha ng aking nakabangga.
“Shit! Gwapo ah.” Sigaw ng utak ko
“I’m sorry, hindi ko sinasadya. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh.” Sabi sa akin ng hindi kilalang lalaki.
“No, I should be the one to apologize. Hindi kasi ako nakatingin sa nilalakaran ko kaya ayan nabangga kita.” Paghingi ko ng paumanhin. Hindi sa gwapo siya pero ako naman talaga ang may kasalanan.
“ Oh it’s okay lang. BTW, I’m Chino. I am from ** ** ***** *********.” Saby abot ng kamay
Shit mararamdaman ko nanaman yata yung kakaibang sensation noong maglapat ang aming mga kamay. Kakaiba talaga
“I’m Mark. Studying here at ****. Nice meeting you.” Sabay smile at abot sa kanyang kamay. Hindi nga ako nagkamali. Muli kong naramdaman ang kakaibang sensation na iyon. Hehe. Gwapo kasi plus chinito pa kaya naman type na type ko talaga ang itsura niya. Kaya naman mistulang nakukuryente ako sa paghawak niya sa akin. Hehehe.
“Ah. Just what I thought, anung course mo?”
“BS*T, sophomore.”
“Ah. I’m an engineering student. Senior.”
“Is there something I can do to make up to you. Maybe, pwede kong paltan yung drink mo?”
“Ah. Don’t worry, paubos nanaman yung drink ko nung mabangga kita. Well, may isa akong problem ngayon. Nabasa yung shirt at wala akong extra. Long drive pa pauwi sa flat ko at may hinahabol ako para sa research ko. So maybe… you can lend a shirt to me. An old one will do.”
“Oh. Okay lang. Yun lang pala. Marami akong damit sa apartment but wala na akong dala ngayon eh. It’s either you wait here while I go back to my apartment and get some clothes or you go with me para hindi ka na rin maghintay. So what do you think?”
“I think sasama na lang sa iyo. Wala naman akong gagawin din dito. Pero kung okay lang sayo ha.”
“Okay lang sa akin. Ako naman nag-offer eh. Tsaka ako naman talaga may kasalanan kaya nadumihan yung damit mo.”
“Okay. So tara na?”
Wait mukhang may nakalimutan ako ah. May class nga pala ako. Shiittt! Pero okay lang. First time ko lang naman umabsent sa class ko na yun. Kawawa naman si Chino kung iiwan ko ng ganun tsaka may bonus naman, gwapo. Hehehehe.
“So alis na tayo?’ tanong ulit sa akin ni Chino.
“Okay okay, tara na nga.” Sabay smile sa kanya. Ganun kasi ako kapag kinikilig, laging nag-smile.
Lumabas kami pareho sa coffee shop. Deretso na sana akong maglalakad papunta sa apartment ng yayain ako ni Chino sa parking lot. May dala pala itong kotse, mas okay mapapadali pag-uwi ko at hindi pa ako mangingitim. Sumakay kami pareho. Sa likod na lang ako sumakay kasi medyo nakakahiya pero he insisted na sa tabi ng lang niya ako sumakay. Hindi ko rin naman natiis, kaya sige na nga sa unahan na lang ako.
Habang nasa daan, hindi ko mapigilang sumulyap sulyap sa kanya. Hehe. Hindi ko alam kung napapansin niya yun kasi naka-focus lang siya sa pag-dradrive. Hindi rin naman nagtagal ng maka-dating kami sa apartment. Studio type lang iyon kaya naman pagbukas mo ng pinto ay nandun na lahat ng gamit, tanging CR lang ang nakahiwalay. Napaka-kalat ng unit ko nung mga panahong iyon. Nagmamadali kasi ako kagabi ng umalis ng apartment, may kailangan kasi akong ihabol kay Anne bago siya umuwi sa kanila.
“Pasensya ka na Chino ha, medyo magulo. Nagmamadali kasi ako kagabi kaya hindi ko na ito naayos.”
“Okay lang yun. Pasensya ka na rin at naistorbo pa kita ha? Wala ka bang klase ngayon?”
“Wala naman” yun na lang ang naisagot ko. Ayoko naman kasing maging uncomfortable siya lalo.
“Okay. Good.”
“Wait lang ha, ihanap lang kita ng shirt.”
“Okay take your time.”
Kaagad ko namang inihanap siya ng damit sa aparador. I intended na ibigay sa kanya yung mga maayos at ginagamit ko pang shirt. Ayoko namang mapahiya. Hehe. Kumuha ako ng dalawang basic Ts at isang polo shirt, para naman may choice siya.
“Nakakahiya na talaga. Talagang papapiliin mo pa ako ha. Hehe. Sige yan na lang shirt na violet. Okay na okay na yan.” Sambit niya saby smile sa akin.
Muntikan na akong mag-melt dahil sa kilig. Nakakaloko ang mga ngiti niya. Parang yung makikita mo sa commercial ng toothpaste. Nakakagigil. Hehehe
Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinubad niya ang tshirt niya sa harap ko. Hindi ko maiwasang tumingin sa katawan niya. Wala mang abs, pero ang sexy niya. Ang ganda ng chest at wala siyang ka-tiyan tiyan. Ang ganda ng braso niya. Shit! Tinutukso yata ako nito ah.
Mukhang nahalata naman yata ang pagtitig ko sa kanya. Pero hindi ko pa rin maalis ang aking mata doon.
“Baka matunaw ako niyan sa ginagawa mo. Hehe.”sabay ngiti ng nakakaloko.
Namula bigla ang mukha ko. Inalis ko ang pagkakatitig sa kanya. Napahiya naman ako sa ginawa ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Sumobra naman kasi ang pagnanasa ko eh. Yan tuloy mistulang napasubasob ako sa blush-on sa sobrang pula ng aking mukha. Hindi ko alam ang sasabihin.
“Hui, biro lang. Ikaw naman namula ka kaagad! HAHAHAHAHA.”
“Hindi ko kaya tinitignan yung katawan mo. Iniintay ko lang ma-isuot mo yung damit para malaman kung kasya.” Palusot ko sa kanya
“Sabi mo eh. Hehehe. Mukhang masikip nga pero ayos lang.”
Napatawa na lang ako. Mukhang masikip nga talaga. Bakat na bakat ang bawat detalye ng maganda niyang katawan. Hindi ko nanamang maiwasan na titigan iyon. Napaka-ganda kasing tignan pero kaagad ko namang sinaway ang sarili. Mahirap na at baka mabugbog pa ako ng taong ito.
“Chino, maliligo muna ako ha. Baka kasi langgamin pa ako dito. Mahirap na.”
“Bakit sweet ka ba? Hahaha. Joke lang. Sige go ahead.”
“Hehe. Kailangan may ganun talaga. Sige maliligo na ako. Bahala ka nang i-entertain ang sarili mo ha.”
“Ok. I’ll be fine.”
Dumiretso na ako sa banyo. Binukasan ang shower para makaligo na rin. Ninamnam ko ang tubig na dumadampi sa aking katawan. Ang sarap talagang maligo. Nakaka-relax. Nagtagal din ako ng halos 30 minutes sa ilalim ng shower kakaisip ng kung ano anong bagay. Sumagi nanaman sa utak ko ang ex ko kaya naman pinatay ko na ang shower at nagdesisyon na lumabas na. pero bakit parang may kulang? SHIT! Wala akong dalang damit at towel sa loob ng banyo.
“Chino! Favor naman, makikikuha ng towel ko na nakasabit diyan sa may table.” Nakisuyo na ako kay Chino kesa naman lumabas ako ng hubad
“Yung color blue?”
“Yup yun nga. Makikiabot naman. Salamat!”
“Ok. No Problem.”
Kaagad namang naiabot sa akin ni Chino ang towel.
“Chino! Favor ulit, pwedeng tumalikod ka muna paglabas ko?” Ayaw ko kasing may nakakakita sa katawan ko. Medyo conscious ako sa hindi malamang dahilan.
“Bakit? Pareho naman tayong lalake ah? Bakit kailangan ko pang tumalikod?”
“Basta. Please naman oh. Tumalikod ka na. Please.”
“Ok. Ok. Unit mo naman ito kaya ikaw ang bahala.”
“Sige. Tnx! Tumalikod ka na at lalabas na ako.”
Kaagad naman akong lumabas. Nakatalikod naman si Chino kaya dumiretso na ako sa cabinet ko. Aktong babalik na ako sa banyo ng muling magsalita si Chino..
“Oops. I can’t help myself but to peek. Hehe. Sexy mo ah!”
Dahil doon ay dali dali akong nanakbo papuntang banyo. Hindi ko alam kung talaga ngang nakatingin siya. Sa pagmamadaling mapapunta sa banyo ay muntikan pa akong madulas. “Shit. Mother Fucker!” Napatawa naman si Chino sa narinig. Expression ko na kasi yun kapag nagigitla simula pa noong high school. Kaagad akong pumasok sa banyo. Nagbihis ako ng dali dali. Nag-ayos ng sarili at lumabas muli.
“Okay na ako, so san ka na Chino?”
“Ah. may kukunin akong book sa library niyo.”
“Ohhhh. Okay.”
“May klase ka pa ba? Pwede bang samahan mo muna ako. Baka kasi maligaw ako, medyo matagal na rin simula noong huli akong makapunta dito kaya limot ko na.”
“Ah. Good thing, iisa lang klase ko ngaun, kaya pwede kitang samahan.”
“What time yung class mo?”
“Actually kanina, pero okay lang na hindi ako nakapasok. It’s my first time skip that class kaya it doesn’t matter.”
“Sorry ulit ha, hindi ka pa nakapasok ng class mo dahil sa akin. Thanks na rin at sasamahan mo ako. Ang dami mo ng nagawa para sa akin ngaung araw kahit kakakilala pa lang natin.”
“No problem. Basta ikaw.” Pogi ka naman. Hehehe
“So , let’s go?”
“Okay.”
Dumiretso kami sa loob ng campus. Siyempre hindi na kami naglakad kasi masyadong mainit. Saglit lang naman kami sa library dahil kaagad naman niyang nakita ang hinahanap na book. I offered him my library card instead na ipa-photocopy niya iyon so we can leave immediately na rin. Hindi ko rin naman ginagamit yun.
“So Mark san ka na pupunta?”
“Ah, ikaw ba?”
“I don’t know. Maybe you can tour me around the campus?” Ngumiti nanaman siya sa akin. Tatanggi pa ba ako dun?
“Okay. Tutal wala naman akong gagawin ngayong araw.”
“Ok then let’s go!”
Nag-ikot nga kami sa loob ng campus. Habang nagjo-joy ride panay ang kulitan naming dalawa. Kantsawan. Tawanan. Nakakatuwa siyang kasama. Panay ang hirit niya sa akin ng kung ano ano. Kahit pa kakakilala pa lang naming ay kaagad kaming naging close. Ewan ko ba, ang gaan ng tanggap ko sa ugali niya. Parang matagal ko na siyang kilala. Usually, it takes a week or two para maging ka-close ang isang tao.
Napaka-bilis ng oras nung kasama ko siya. Parang kakasakay lang naming ng saksakyan at ito palabas na kami ng campus.
“So san tayo?” tanong sa akin ni Chino.
“San tayo? Hindi ka pa ba uuwi?”
“Bakit gusto mo na bang umuwi?”
“Hindi. Sige. Kaw bahala. Basta huwag tayong lalayo ng campus ha.”
“Okay. Let’s have a lunch first? Saan mo gusto?”
“You decide. Okay ako kahit saan.’
“Sige mag-take out na lang tayo sa KFC sa labas?”
“Okay. Basta ba libre mo eh!” biro ko lang naman iyon
“Okay. Let’s go!” kumagat naman sa biro koi to. Uto uto!
“Hindi joke lang. Ikaw naman kumagat ka kaagad!”
“Para makabawi na rin ako sa pagsama mo sa akin at pag-lend mo ng shirt sa akin.” Di pala uto uto, mabait lang!
“Hindi, okay lang yun. Don’t worry. Hindi naman ako na-istorbo. In fact, nag-enjoy pa nga ako eh.”
“Talaga? Nag-enjoy ka?” may ngiti akong nakita sa labi niya. Mukhang nag-enjoy din si mokong pero dapat maka-sigurado.
“Eh ikaw ba nag-enjoy ka? Kahit na napaka-boring kong kasama?”
“Oo naman. Sobra nga eh. Tsaka hindi ka naman boring kasama. Nakakatuwa ka nga eh. Ang cute mong tignan kapag naiinis.”
Tama ba ang narinig ko? Ang cute ko daw? Siyempre crush ko yung nagsabi kaya kahit cute lang ay sobrang na-flutter ako sa sinabi niya sa akin. Namumula na naman yata ako at hindi niya dapat mahalata ang reaksyon ko. Masaya ako nag-eenjoy ang kasama ko sa akin. At least, tagumpay akong entertainer. LOL.
“Dito ka na lang sa loob ng car ha. Ako na lang bibili ng food natin. May gusto ka bang ipabili?”
“Bahala ka na.”
Matagal tagal din si Chino bago makabalik ng kotse. Mukhang block buster nanaman ang pila. Lunch time na kasi. Halos 30 minutes din bago siya makabalik. May dala siyang bucket meal.
“Bucket meal? Mauubos ba nating dalawa yan ha?”
“Bakit hindi? Hehe. Tsaka matakaw naman ako kaya wag kang mag-alala.”
“Okay basta ikaw ba ang bahalang umubos niyan!”
“Yakang yaka!”
“Magkano share ko?”
“Hindi. Huwag na. Diba libre ko nga ito.”
“Pero..”
“SShh. Wag ka na makulit. Kain na tayo ha.” Sabay ngiti. Hindi na ako nakasagot. Tinutunaw nanaman ako ng ngiti niya.
Habang kumakain sa kotse, bigla niya akong pinunasan ng mashed potato sa ilong.
“Hey para san ‘yon ha?! Bakit ka namamahid ng pagkain sa mukha? Hindi kaya nakakatuwa!” nagtatampo kong sabi. Hindi talaga ako nagtatampo, nagiinarte lang.
“Ooops.. sorry. Hindi ko ginustong ma-offend ka. Naglalambing lang naman ako sayo.”
Naglalambing? Tama ba narinig ko? Naglalambing talaga?
“Anu naglalambing? Anu ka girlfriend ko?” kunwari pa ako
“Bakit bawal ba maglambing ang lalaki sa kapwa lalaki. Uso na yan ngayon no!”
Uso? Ganun? Bisexual ba itong si Chino? Totoo kaya yun? Never mind na nga
“Ikaw talaga. Ang cute mo pag naiinis. Kaya nga lagi kitang iniinis para lagi kang cute!” si Chino
“Nakaka-offend ka na ha!”
“O diba effective! Hahahaha”
“Ang sama mo!”
“O sobrang effective talaga!”
Tuumahimik na ako pero deep inside kinikilig ako sa akto niya. Nakakatuwa siya kahit pa inaasar niya ako. I don’t care na kung bisexual ba talaga ito o straight, ayos kasing kaibigan. Napapasaya ka.
Pagkatapos kumain ay nagpunta kami sa coffee shop na tinatambayan ko. Nakakatawa kasi parang kanina lang kakakilala pa lang naming dalawa tapos ngayon nandito kami as friends. Pagdating ay hindi pa rin niya ako hinayaang magbayad. Libre pa din. Masyado niya yata akong pina-pamper, baka masanay ako. J
Kwentuhan kami sa mga detalye ng buhay namin. Thesis na lang pala ang kulang niya at graduate na siya. Kinailangan niya lang yung book na kinuha namin kanina para sa thesis. I’m glad nakatulong ako sa kanya. Kwentuhan pa. Halos pareho kami ng trip, pareho ng kind ng music na pinakikinggan, pareho ng wave length kaya naman jamming kami kaagad sa kwentuhan. Nakakatawa siya. Punong puno ng sense of humor.
Siyempre, hindi maiiwasan na hindi mapapunta sa love life ang topic. Siyempre lahat naman ng nasa GTK phase ay napupunta dun. Tanungan sa kung ilan na ba ang naging girlfriend, ex, questions about moving on at marami pang iba. Sumablay ata ako sa tanungan na ito ah…
“Nagka-girlfriend ka na?” si Chino
“Nope. Hindi pa. Choosy kasi ako.”
“Eh ilan na naging ex mo?”
“lima.” Lima? Eh hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend
“Huli ka! Haha. Edi ibig sabihin nagkaron ka ng ka-relasyon pero hindi babae?”
Think fast Mark kung ayaw mong mabuko.
“ Ibig kong sabihin kanina ay wala akong girlfriend ngayon pero nagkaroon na.” palusot ko sa kanya
“There’s no need to make silly excuses, Mark. Hehe. Kanina ko pa naman alam na hindi ka straight. Medyo halata sa inaakto mo kanina pa. Tska ang nakapagpatibay sa hinala ko yung nakita kong porn mo na vcd sa apartment. M2M! HAHAHAHAHAHA!”
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Natigilan ako. Napipi. Hindi alam ang sasabihin. Pakamatay na kaya ako? Wag na lang. Si Chino lang ang nakabisto sa totoo kong pagkatao maliban na lang sa mga ex ko. Burara ko kasi, pakalat kalat ang porn sa unit. Pero ako lang naman kasi ang laging nandun kaya wala akong pakialam kung pakalat kalat yun. Nakalimutan ko lang kanina itago kaya ayan bistado ka boy! Hindi pa rin ako makapagsalita. Stuck ka ngayon Mark!
“Okay lang yun sa akin Mark. Hindi naman ako namimili ng kaibigan. Tsaka mabait ka naman sa akin, bakit naman magbabago ang pagtingin ko sa iyo. Cute pa! at kung magpapaka-judgemental ako, hindi ako magkakaron ng bagong friends. Masaya ako kahit anu ka pa man. At least ngayon pwede ka ng magpaka-totoo sa akin.” Sabay ngiti nanaman. Hindi na ba matatapos yang kakangiti mo!
“Salamat Chino ha. Pero sana sa ating dalawa lang ‘to. Alam mo na.”
“Oo ba. No problem. Pwede kang mag-trust sa akin!”
“Thanks ha! Bait mo talaga!”
“Welcome cute!”
Kinilig naman ako dun. Tuloy ang usapan namin. Sumentro iyon sa mga ex ko at sa experiences ko sa m2m relationship. Kung anu pang details sa buhay. Marami rami rin iyon. Tawanan ulit. Kulitan. Harutan. Para kaming magkapatid na bata na hindi mapigilan ang mga sarili sa kakaharot. Wala kaming pakialam sa mga taong nakakakita sa amin sa café. Basta masaya eh, bakit mo pipigilan? Tsaka nasa may tagong part naman kami kaya kaunti lang ang makakakita. Hindi ko nanaman namalayan na lumipas na ang oras. Napaka-bilis pala. Ganun pala talaga if you’re having a good time, napakabilis ang pagdaan ng oras. At dahil 10 pm na pala, ay kailangan na naming maghiwalay ni Chino. Baka kasi gabihin pa siya sa daan. Gabi na pala. Basta. 1 hour pa rin ang drive mula sa **** to ***. ****. Inihatid muna niya ako sa unit bago umalis. Hindi na siya pumasok.
“So panu? Kita na lang ulit tayo?” si Chino
“Sige ba! Bakit naman hindi. I had a good time.”
“Thank you, one of the best days…” sabay ngiti. Hindi na niya itinuloy ang sasabihin.
“Me too.” Sabay ngiti din.
Nagpalitan kami ng cellphone number before maghiwalay. Siyempre bago ko siyang kabarkada kaya we intended to keep in touch with each other. Bakit ba hindi? Naging masaya ako ng gabing iyon. Nakangiti akong nahiga sa kama. Para bang nagkaroon ako ng instant bestfriend ng ganun ganun na lang. Hindi na muna ako nag-expect ng text mula kay Chino. Siyempre nagdra-drive yun. Nakatulog ako na ito lang ang paikot ikot sa isip…. Sabihin na nating mababaw ako dahil kakakilala ko palang sa kanya pero totoo ito…
Thank you Chino for giving me one of the best days of my life.
No comments:
Post a Comment